Hayden Kho, takot na takot kay Lolit Solis?! – Ronnie Carrasco

Hayden Kho, takot na takot  kay Lolit Solis?! - Ronnie CarrascoHayden Kho, takot na takot  kay Lolit Solis?! - Ronnie CarrascoHARDCORE POLITICIANS ARE also made up of romantic stuff.

Ito ang puwedeng sabihin tungkol kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses nang sorpresahin niya ang kanyang nobyang si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa bisperas ng kaarawan nito. Nagulat kasi si Aiko sa tumambad sa kanya: mga bulaklak magmula sa gate ng kanyang tahanan hanggang loob ng kanyang kwarto. Literally, the whole house was transformed into a rose garden!

Sa free birthday concert nga ng aktres-pulitiko held at the QC Football Field nitong Biyernes, hindi naiwasang itanong kung nagbabadya na ba ‘yon ng kanilang pag-iisang dibdib. Sagot ni Aiko, “Puwede siyang magkasal kasi mayor siya, so siya na rin ang magkasal sa amin. Ha-ha-ha!”

Halatang Aiko is biding her time as far as settling down. Consistent naman kasi ang aktres sa pagsasabing she and Pat are enjoying each other’s company, kaya there’s no need to rush things. Besides, Aiko knows better this time around. Minsan na niyang sinisi ang paggiging emotionally unstable pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

HINDI RAW SA ayaw mag-guest ni Hayden Kho sa Startalk, kundi natatakot daw ito sa threatening presence ng isa sa mga host nitong si Lolit Solis.

But ‘Nay Lolit is quick to shift gear: hindi raw niya tatakutin si Hayden, kundi nais niya itong bigyan ng pagkakataon to acquit himself. Ang hirap daw kasi sa sweetheart ni Dra. Vicki Belo, he believes his own lies. Sinang-ayunan din ni Butch Francisco ang obserbasyong ‘yon ng kanyang fellow host.

Sa ngayon, nagsimula na ang self-imposed hibernation ni Hayden. It’s a goodbye for now to showbiz. Really? Huwag nating kalimutan na hindi pa tapos ang kinakaharap niyang kaso, and this is just the beginning of ominous things to come.

SENATOR CHIZ ESCUDERO puts himself to a test of intellect as he takes the hot seat in this Saturday’s episode of Who Wants To Be A Millionaire. Naku, wish ko lang, huwag niyang gamitin ang kanyang upuan to deliver profound speeches in Tagalog na wari’y simula na ng campaign period, ‘no!

Patutunayan naman ni Ruffa Gutierrez sa January 2 in the same show that she’s not just a pretty face, kundi may talino rin, above all. Dito mate-testing ang grace under pressure ni Ruffa na gamay na niya with her beauty contest background.

Bilang pagdaraos naman ng kanyang 44th birthday, si Sharon Cuneta naman ang magpapakitang-gilas on January 9 as she goes for the one million at stake.

Siyempre, mapapanood ito sa TV5 where the power of convergence will propel its programs to greater heights this 2010. Talaga lang, ha?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III