Hayden Kho, nakuha na ulit ang medical license

ADVERTISING

Hayden Kho, nakuha na ulit ang medical license

Hayden-KhoTOTOO KAYA itong narinig kong nabalik na raw ang medical license  ni Hayden Kho?

ADVERTISING

Bongga, ‘di ba? Pagkatapos nilang magkaayos ni Sen. Bong Revilla at nakulong na nga ito, saka naman naibalik ang lisensya nang pagkadoktor niya.

Naku ha? Paano kaya naibalik ‘yun? Alam ko kasi, mahirap ‘yan mabalik. Pero malaking bagay rin siguro ang pagiging madasalin at malapit sa Diyos ni Hayden kaya natupad naman ang matagal na niyang inaasam na mabalik ang lisensya niya.

Kaya balik na tayo sa pagtawag na Dr. Hayden Kho.

ADVERTISING

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon d’yan ni Katrina Halili na matagal na rin naman sigurong nakapag-move on sa malaking iskandalong ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING