Hate na hate ang network war
Vice Ganda, gustong sumama sa Bubble Gang

ADVERTISING

<i> Hate na hate ang network war</i><br> Vice Ganda, gustong sumama sa Bubble Gang

<i> Hate na hate ang network war</i><br> Vice Ganda, gustong sumama sa Bubble GangHATE NA hate pala ni Vice Ganda ang network war at ito ay nabuko sa Twitter niya, kung saan sinabi niya ang bad effect nito.

Aniya: “Sino ba kasi ang nagpauso n’yang Network War?! Such a stupid idea! Puwede namang masaya lang magkakatrabaho lang ang lahat, ‘di ba!”

Patuloy pa ni Vice: “Nakikitang magkakasama ang mga paborito nilang artista, eh, na-lilimitahan dahil sa dibisyon niyang Kapamilya, Kapuso at Kapatid na ‘yan. ‘Di ba puwedeng KAPINOY na lang lahat?”

Nagpahayag pa siya na puwedeng mangyari raw kung walang network wars, “Could you imagine kung gaano kasaya ang ‘Pinas kung minsan mapanoood ninyo sina Piolo (Pascual ) at Anne (Curtis)sa Party Piipinas at sina Dingdong ( Dantes ) at Marian (Rivera) naman sa A.S.A.P.? Ang ganda rin sanang mapanood na magkasama sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa TV bukod sa mga concert.”

ADVERTISING

Pero ang nakakagulat na inihayag ni Vice Ganda sa kanyang Twitter ay gusto niyang mag-guest sa Bubble Gang at type din niyang ma-interview si Joey de Leon sa show niyang Gandang Gabi Vice.

Kaya pala nang mapasyal kami sa 17th anniversary taping ng Bubble Gang sa studio 7 ng GMA, nasabi ng executive producer ng gag show na gusto raw mag-guest sa kanila nina Vice Ganda at iba pang talent ng Dos.

Ang tanong, gumanda rin kaya o mapangiti rin kaya ang mga bossing ng Dos sa kanyang inihayag sa Twitter?

 

ITINANGGI NI Derrick Monasterio na sila na ngayon ni Barbie Forteza. Sabi ni Derrick, magka-loveteam lang sila sa GMA 7 at ‘yun ang kanilang inaalagaan kaya sila laging magkasama sa serye ng Kapuso.

Sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa ay sila ni Barbie ang magkatambal. Kasama rin sina Joyce Ching, Agot Isidro, Maritoni Fernandez,Tanya Garcia, Alicia Mayer, ang cute na dalaginding pero dalagang-dalaga na ngayon na si Rita de Guzman atbp.

Natatawa nga si Derrick nang tanungin kung wala ba siyang balak ligawan si Barbie dahil dalagang-dalaga na rin tingnan ang teenstar?

“Barbie and I are friends. Pinangangalagaan namin ang aming loveteam. Saka bata pa si Barbie at ganoon din naman ako. 17 years old pa lang ako at si Barbie ay 14 or 15 years old na ba?

“Marami pa kaming pagdaraanan sa buhay at nakasentro ang attention namin sa aming showbiz career. Kayo talaga. Alam din naman ni Barbie ang katayuan namin sa ngayon. Just pure friendship,” say ni Derrick.

Ask naman sa crush niyang si Sarah Lahbati na ngayon ay girlfriend na ni Richard Gutierez. Sumama ba ang loob niya kay Richard dahil naunahan siya sa babaeng kanyang sinisinta?

“No! Si Kuya Richard na ‘yan. Gusto ko ring masundan ang pinagdaanan niya at maabot ko rin ang tinatamasa niyang tagumpay sa showbiz,” say pa ni Derrick.

Tungkol naman sa isyung kinasasangkutan ngayon ng dati rin niyang crush na si Bea Binene. Nakasuporta ba siya sa teenstar?

“Kaya ni Bea ang pinagdaraanan niya ngayon. Naniniwala ako sa kakayahan niya. Kung kakailanganin naman niya at mga kasama namin sa Tween Hearts ang suporta ay nandito lang kami, pero as I said, kaya ni Bea ‘yan,” pahayag ni Derrick.

 

AYON KAY Dingdong Dantes, sa 6 na araw na pagpapalabas ng Tiktik: The Aswang Chronicle, more than P70 million na ang box office returns nila. Pero hindi pa raw siya sigurado kung kailan nila mababawi ang kanilang P80 million na production cost.

“Pero parang nakabawi na rin kami dahil sa magagandang reviews ng pelikula mula sa mahuhusay na directors at sa mga nakapanood na rin. Gaya ng sinabi namin noon na gusto lang namin ma-prove na puwede naman tayong gumawa ng ganitong klaseng pelikula. Kahit  pa  inabot pa kami ng dalawang taon bago natapos ang full production nito.

May nag-suggest din pala sa kanila na gawing 3D ang movie pero nangangalahati na raw sila noon. At baka raw sa susunod na Metro Manila Film Festival ay isali na nila ang part 2 ng Tiktik.

Kung isinali kasi nila sa MMFFP ito ay siguradong patok na patok, lalo’t GP ang rating na ibinigay sa kanilang movie na idinirek ni Erik Matti.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING