Hashtag Zeus Collins, love interest ni Cacai Bautista sa ‘Wander Bra’

ADVERTISING

Hashtag Zeus Collins, love interest ni Cacai Bautista sa ‘Wander Bra’

Hashtag Zeus Collins, love interest ni Cacai Bautista sa ‘Wander Bra’
Zeus Collins

MAY DAHILAN kung bakit three years nang walang girlfriend ang member ng Hasthags na si Zeus Collins. Ayon sa kanya, hindi niya balak magka-love life dahil meron siyang goal sa buhay.

ADVERTISING

“Nagpo-focus po kasi ako sa trabaho talaga kasi may goal po ako na magkaroon po ako ng sarili kong bahay, mabigyan yung mga kapatid ko, yung mama’t papa ko.

“Talagang focus ako lalo na kapag nakikita ko sila. Ako, naranasan ko talaga kung papaano maghirap, eh. Hindi puwedeng hindi ako magtatrabaho. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila,” huling pahayag niya sa amin.

Si Zeus ay kasama sa pelikulang Wander Bra ng Blue Rock Entertain Productions. Gaganap siya bilang love interest ni Cacai Bautista na kapag nagsusuot ng wander bra ay nagiging si Myrtle Sarrosa.

ADVERTISING

Kuwento ni Zeus, una siyang lumabas sa pelikulang Wangfam ni Direk Wenn Deramas na nasundan naman sa Love Me Tomorrow na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta.

“Pa-support-suport lang ako don. Parang ano lang, extra. He-he-he. Pero super nag-i-enjoy naman ako,” sambit pa niya.

 

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING