Hashtag Paolo Angeles, future leading man sa Dos

Hashtag Paolo Angeles, future leading man sa DosIsa sa masasabi naming may magandang PR among Hashtag members na napanonood regularly sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN ay ang guwapitong si Paolo Angeles.
First time namin siyang nakita at nakausap nang personal sa 32nd PMPC Star Awards For Movies, kung saan nag-perform sila at nakita namin ang kanyang pagiging magiliw sa mga tao roon na gustong magpalitrato sa kanya.
Malaki ang hawig nito sa yumaong Rico Yan na may maamong mukha at magandang ngiti. Kaya naman mabigyan lang ng maganda at tamang proyekto si Paolo, siguradong mangniningning ang bituin nito bilang artista.
Isa nga ito among teen actors ng Kapamilya Network na puwedeng i-groom para maging next leading man at ipareha sa mga prinsesa sa ABS-CBN.

Bukod sa pag-aartista at pagiging mahusay na mananayaw, mabenta ring commercial at print ad model si Paolo. ‘Di ba, Prince Jade Ondong?

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleJeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man, halatang ‘di gustong mag-artista; mas kailangan ang pag-aaral
Next articleMeg Imperial, ‘di nagpatalbog sa aktingan kay Claudine Barretto sa “Bakit Manipis ang Ulap?”

No posts to display