Hashtag Nikko Seagal Natividad, tsinugi na ng manager!

ADVERTISING

Hashtag Nikko Seagal Natividad, tsinugi na ng manager!

Hashtag Nikko Seagal Natividad, tsinugi na ng manager!
Nikko Seagal Natividad and Jobert Sucaldito

THIS MORNING, sa kanyang Facebook account ay ibinandera ng talent manager-radio host ng DZMM at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito (manager of Michael Pangilinan) na binitawan na niya si #Hastag Nikko Seagal Natividad as his talent.

 
Shoutout ni Jobert:”I’ve decided to drop Hashtag Nikko Seagal Natividad as my artist for many reasons. Huwag na muna nating i-detail. Who’s next?.
 
Nang mabasa naming agad kami nag-text kay Jobert pero may kasunod na siyang posting sa kanyang FB.
 
Hindi man pinangalanan na si Nikko Saegal ang tinutukoy niya , tila natutungkol ito sa alaga.
 
Hashtag Nikko Seagal Natividad, tsinugi na ng manager!
Hashtag Nikko Seagal Natividad

Pagkasulat ni Jobert: ”Minsan, sa mundo namin sa showbiz, may mga bagay-bagay na nangyayaring napakahirap i-decipher. As a talent manager lalo, it’s not that easy. Pag bago pa lang ang alaga mo, sobrang bait. Lahat ng sasabihin mo ay susundin kaya ikaw naman, bilang nanay-nanayan nila ay gagawin ang lahat para sa ikabubuti nila.

 
“Hahanapan mo sila ng mga trabaho para matulungang kumita at mabuhay nang disente. Pero pag tumagal-tagal na, pag nagkakapangalan na at kumikita na, doon na lumalabas ang tunay na anyo. Tumitigas na ang ulo – ayaw nang sumunod sa mga payo mo. May sarili ng desisyon.
 
“Akala kasi nila ay kaya na nilang tumayong mag-isa. Nanghihinayang na
yata sa kinakaltas mong kumisyon kaya hahanapan ka na ng butas. Ha! Ha! Ha! Yung little flaws mo through the years ay iipunin nila (kulang na lang ay i-diary nila) ‘tapos ipapamukha sa iyo at the end of the journey ang mga kakulangan mo. Pagmumukhain kang masama at lahat ng naitulong mo ay bale-wala na pala.
 
“Nagiging nasty pa pag na-blown out of proportion. Kaya nasasabi naming mga managers that this business is really ungrateful though exciting at times.
 
“Hindi ito paniningil ng utang na loob dahil ang utang na loob ay hindi nababayaran ng salapi o anupaman – it’s a forever thing sa puso natin that we should be thankful for. Pero of course, tuloy ang buhay. I will still manage hangga’t kaya ko – I will still give breaks to those who need them basta ba sa abot lamang ng makakaya ko. Sa mga ayaw na sa akin, feel free to leave me. Kung masama akong tao sa paningin ninyo, go ahead.
 
“Basta alam ko sa puso ko na naging mabuti ako sa inyo. SA INYONG LAHAT. Thanks for the good times!!!!!!”
 
Hindi man dinitalye ni Jobert ang dahilan ng pagbibitaw sa kanyang huling posting, ang basa ko ay tungkol sa komisyon as manager niya ang naging isyu ni Nikko.
 
Our column is open for Nikko’s side para marinig din natin ang panig niya kung bakit siya binitawan ni Jobert as his talent.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING