Harvey Bautista, pinuri ng producer at direktor ng “Ilawod”

ADVERTISING

Harvey Bautista, pinuri ng producer at direktor ng “Ilawod”

VERY vocal na ipinagmalaki ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso at direktor na si Dan Villegas ang screen presence at pagiging natural ng teen actor na si Harvey Bautista. 

Harvey Bautista, pinuri ng producer at direktor ng “Ilawod”
QC Mayor Herbert Bautista and son Harvey Bautista

Si Harvey ay introducing sa pelikulang “Ilawod” na isang horror film at pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Iza Calzado. Anak nila si Harvey sa nasabing pelikula. 

Ayon sa producer, “Harvey’s very, very good in the film. Very natural.”

Sey naman ni Direk Dan, “Powerful ang screen presence niya, actually nagmana sa ama.”

ADVERTISING

Ang tinutukoy na ama ni Harvey ay ang butihing mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Nagsimula si Harvey sa kids gag show na “Goin’ Bulilit” at nabigyan agad siya ng nominasyon sa 26th PMPC Star Awards for TV para sa Best New Male TV Personality noong 2012, na sinundan ng nomination bilang Best Comedy Actor nu’ng 2014 sa 28th PMPC Star Awards for TV. 

Taong 2015 naman nang manalo siya sa 29th PMPC Star Awards for TV bilang Best Child Performer sa “Wansapantym”.

Sa ngayon, nag-e-enjoy talaga si Harvey sa showbiz, pero ‘pag wala siyang commitments, naka-focus daw talaga siya sa school. Mas priority raw niya talaga ang pag-aaral, kasi ‘yun din daw ang bilin sa kanya ng kanyang ama na si Mayor Herbert. ‘Yun nah! 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING