Harlene Bautista, kinasuhan ng estafa ang kaibigang si Direk Ga Garcia

ADVERTISING

Harlene Bautista, kinasuhan ng estafa ang kaibigang si Direk Ga Garcia

Dante-Nico-Garcia-Harlene-BautistaNA-INTERVIEW PALA ng Startalk si Harlene Bautista na napabalitang nagpakulong kay Direk Dante Ga Garcia.

Mag-bestfriends pala talaga silang dalawa na ang ending demandahan, dahil sa malaking halaga ng perang involved sa partnership nila noon.

Ang dinig ko lang, may mga projects na pinrodyus ng production outfit nina Harlene na dapat ay idirek ni Direk Ga, pero hindi nga raw ito natuloy. Ang laki na raw ng perang involved na dinig ko, halos 20 million pesos ang inabot.

Tapos, nagkagulo na sila, at kinasuhan na ito ni Harlene ng Estafa at ilan pang kaso. Nagkaroon ng warrant of arrest at ‘yun na nga nahuli na si Direk Ga sa Palawan nu’ng nakaraang Linggo. Dinala na raw rito sa Camp Karingal, pero pagkalipas ng ilang araw, nakapag-post ng bail nang mahigit isang milyon.

ADVERTISING

Ang narinig din namin, tumulong ang bestfriend ni Direk Ga na si Judy Ann Santos para ma-bail ito pero itinanggi naman ng aktres.

Nu’ng nakausap ng Startalk si Harlene, sinabi ng actress/producer na nasasaktan siya sa nangyari dahil mahal pa rin naman daw niya si Direk Ga, at naging bestfriends talaga sila. Pero kailangan daw niyang gawin iyun para matuto naman daw ang naturang direktor.

Sabi nga raw niya, tuwing pumupunta siya sa hearing, umiiyak daw siya dahil nasasaktan din siya para sa isang kaibigan. Lalo na raw nu’ng na-serve ang warrant of arrest, iniyakan din daw niya ‘yun dahil hindi naman daw niya kagustuhan ang nangyari. Pero kailangan daw niyang gawin para matuto raw nga si Direk Ga.

Parang wala naman daw kasi siyang nakikita remorse mula sa direktor, kaya gusto raw sana niyang matuto na ito at hindi na gawin sa iba.

Sa totoo lang, ang dami ko pang naririnig tungkol diyan, pero itong si Harlene lang ang nagtuloy ng pagsampa ng kaso at naaresto na nga.

Siyempre, malaking perang involved at ginawa mo ‘yun sa kaibigan mo, hindi naman yata tama, ‘di ba? Dapat namang aksyunan ni Harlene, at nakakahiya naman daw sa ibang co-producers niya na nakuhanan ng ganu’n kalaking halaga.

Tumanggi naman si direk Ga na magpa-interview at dinig ko bumalik daw siya uli ng Palawan.

Marami pa raw kuwento ng ilang direktor na may ganu’n ding isyu. Narinig ko kung sino itong ibang direktor na nasasangkot sa ganu’ng isyu, at dapat maayos na niya ‘yan dahil kung hindi, baka mangyari rin sa kanya ang nangyari kay Direk Ga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING