The Hardworking Son: Marlo Mortel, todo kayod para sa inang may cancer

ADVERTISING

The Hardworking Son: Marlo Mortel, todo kayod para sa inang may cancer

The Hardworking Son: Marlo Mortel, todo kayod para sa inang may cancer
Marlo Mortel

MASIPAG si Marlo Mortel. Walang reklamo sa ginagawa niya sa bawat umaga na gumigising siya for work.

Sa morning magazine show na Umagang Kay Ganda (UKG) maaga siya nagpe-prepare para makarating sa location ng live coverage kung saan siya naka-assign para sa segment nila ni Dominique Roque.

 

Mahirap magising ng maaga. Alas-kuwatro pa lang yata ay nasa biyahe na si Marlo para sa kanyang trabaho bukod pa sa iba’t ibang provincial shows at personal appearances niya, apart pa ‘to from the shows nila ng mga kasamahan sa grupong Harana nina Bryan Santos, Joseph Marco at Michael Pangilinan

ADVERTISING

 

Sa kanyang todo raket (work) ay may rason ito. Todo ang sipag niya para sa ina niyang may 3rd stage breast cancer.

The Hardworking Son: Marlo Mortel, todo kayod para sa inang may cancer
Marlo Mortel with his parents

Hindi makuwento si Marlo tungkol sa health conditions ng ina .”I am quiet when it comes to my family, but these past few months’ been really hard for us. Back in 2014, my Mom was diagnosed with Stage 3 Breast Cancer. Last December she had to do a Lung Operation and then just recently she went through an Open Heart Surgery because there’s a huge cyst that needs to be removed or else her heart will fail,” pagkakasulat niya sa kanyang Instagram account.
Dagdag pa ni Marlo: “We’re thankful that it was successfully removed but tests revealed that her Cancer is now at Stage 4. My mom is still recovering from the surgeries and has no voice but she needs to face another set of treatments again so Lord please give her strength. You are definitely a fighter mommy, and me & Daddy will fight with you all the way. I’ll keep working extra hard for us and we will get through this ok? Nothing is impossible with Jesus. I love you so much!”
Sa pagsubok na kinakaharap ngayon ng singer-TV host ay humihingi siya ng dasal para sa ina.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING