Harana Boys, newest boy group

Harana Boys, newest boy group

Harana-BoysCERTIFIED PAMPAKILIG sa girls at mga beki ang newest boy group ng Star Music na Harana Boys na binubuo ng apat na Kapamilya heartthrobs na sina Joseph Marco, Bryan Santos, Michael Pangilinan, at Marlo Mortel.

Pagkatapos ilunsad kamakailan sa ASAP 20 ang kanilang unang album ay sunud-sunod na blessing na ang natanggap ng singing quartet. Agad na namayagpag sa radio ang unang single nilang Number One at ang pagkakapili sa kanila bilang singers ng Baby I Need Your Lovin’ na ginamit na official theme song ng box-office movie ng Star Cinema na You’re My Boss na pinagbibidahan nina Coco Martin at Toni Gonzaga.

Ang kantang Nubmer One ay maaari pa ring ma-download sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph at Starmusic.ph.

Samantala, kahit hindi pa kumakanta professionally sina Bryan at Joseph, hindi raw nakaramdam ang dalawa ng intimidation sa kasamang sina Marlo at Michael dahil buo naman daw ang suporta ng dalawang kagrupo sa kanila.

“Kapag hindi namin kaya, especially si Michael, lagi niya kaming inaalalayan sa mga kanta, sinusuportahan talaga namin ang isa’t isa,” pahayag pa ni Joseph.

Ang album ng Harana Boys ay bahagi ng compilation album ng Star Music na OPM Fresh na nagtatampok sa ilan sa promising singers sa bansa.

La Boka
by Leo Bukas