HAPPY ENDING: Jackie Forster, masaya ang reunion kina Andre at Kobe Paras!

ADVERTISING

HAPPY ENDING: Jackie Forster, masaya ang reunion kina Andre at Kobe Paras!

HAPPY ENDING: Jackie Forster, masaya ang reunion kina Andre at Kobe Paras!
Jackie Forster

MATAPOS dumaan sa kalbaryo si Jackie Forster, dating artista na kasabayan nina Sushine Cruz at Karla Estrada para mapalapit siya sa kanyang mga anak na sina Andre Paras at Kobe Paras sa dating mister na si Benjie Paras ay isang good news ang ibinalita ng dating artista sa kanyang socmed account tungkol sa pagtatagpo nila ng mga anak.

Sa katunayan, iniyakan ni Jackie nang husto ang laban niya na makita ang dalawang anak sa kabila ng kaliwa’t kanang intriga at isyu na kinamatayan na ng dati niyang manager na si Tito Alfie Lorenzo.

Almost 12 years na hindi nakakasama ni Jackie ang dalawang anak.

Ayon sa lumabas na istorya sa PEP na sinulat ni Jojo Gabinete, bago pa man nagtagpo ang mag-ina muli in person last night (Sunday) sa isang hotel ay may online communication na ang mga bata sa kanilang ina.

ADVERTISING

Nagkita na sina Jackie at Kobe sa Los Angeles, California kung saan magkasama ng almost one month.

Nagsimula mag-reach-out si Kobe sa ina nang tumawag ito last January habang si Jackie ay on vacation with her family sa Europe.

HAPPY ENDING: Jackie Forster, masaya ang reunion kina Andre at Kobe Paras!
Jackie with her businessman husband and kids

Sa katunayan, tinanong nga ni Jackie si Kobe kung gusto niya sumunod sa kanilang vacation at padadalhan niya ito ng ticket.

Sa unang bonding nina Jackie at ng anak na si Kobe last January, isinikreto muna mag-ina ang pagtatagpo.

Sa kaso naman ni Andre na naka-based dito sa Manila at nagso-showbiz, ang mensahe niya sa ina ay ipinaparating lang muna niya sa kapatid na si Kobe but it was only last night na nagkita sila in person.

HAPPY ENDING: Jackie Forster, masaya ang reunion kina Andre at Kobe Paras!
Jackie Forster with sons Andre and Kobe

Hari nawa’y oks na silang mag-ina. Naayos na ang hindi nila pagkakaintindihan noon.

Happy kami for Jackie. Masaya kami para sa mag-iinang Jackie, Andre at Kobe.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING