Happy Birthday, Daddy Bong Madrid!

ADVERTISING

1 Bong Madrid 2 Bong Madrid 3 Bong Madrid 4 Bong Madrid 5 Bong MadridNAPAKASAYA NG gabi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Daddy Bong Madrid, ang ama ng sikat na young actor na si Ruru Madrid, na ginanap sa kanilang tahanan sa Marikina Heights noon lamang nakaraang Feb.19.

Napakarami ng naging bisita at isa lamang ako sa mapalad na naimbitahan ng pamilya. Halos puro kamag-anakan nila ang nagsidating. Ilan sa mga celebrity na dumating ay ang singer na close friend nila na si Malu Barry, ang multi-awarded director na si Direk Maryo J. Delos Reyes, at ang dalawang Masculados na kasama rin ni Direk na dumating.

Sobrang saya talaga ng birthday boy. Lalo na nang makipagsabayan sa pagbirit sa pagkanta kay Malu Barry, habang tuwang-tuwa silang pinanonood ng kanyang maybahay na si Jackie at ng tatlo nilang anak na sina Ruru, Rere, at Rara.

Lubos ang pasasalamat ni Bong sa biyayang tinatamo ng kanyang pamilya, dahil unti-unti ay nakikita niyang natutupad na ang kanyang laging hiling. Lalo na para sa kapakanan ng kanyang mga anak at higit kay Ruru.

Matatandaang tumayo siyang stage father ni Ruru noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz. Dumating ang sandaling nag-collapse siya noong kasalukuyang nagteteyping pa ito ng pantaseryeng Paroa. Bumaba umano ang blood pressure nito na kinailangan pang salinan ng tatlong bag ng dugo. Kahit si Ruru ay lowblood din dahil nasa lahi raw nila ‘yun.

ADVERTISING

Super care naman si Ruru, kaya naman lalo pa niyang pinagbubuti ang kanyang trabaho. Pagkatapos ng kanyang mga ipinamalas na galing sa pag-arte ay kabi-kabila na ang kanyang mga natatanggap na papuri at awards maging sa ibang bansa.

Nakatakda na siyang maging bida sa teleseryeng inilaan sa kanya ng Kapuso Network. Isang pelikula nina Angel Locsin at Richard Guttierez ang ire-remake, ang Let The Love Begin na si Ruru Madrid ang gaganap, at siyempre makakatambal niya rito ang kanyang love interest na si Gabbi Garcia para sa role na ginampanan ni Angel.

May sorpresa pa umanong ipakikita sa project na ito, ‘yun ang in-import pa ng GMA 7 na makakasama nilang sikat na karakter na hindi pa pinangalanan kung sino. Grabe. Special project talaga! Ano pa ang masasabi mo, ha, Daddy Bong? Medyo malayu-layo na rin ang nararating ng karir ng anak mo. Congrats!

 

Text & Photos by Maria Luz Candaba

ADVERTISING