Hanggang friendship lang talaga
Glaiza de Castro, ‘di type ni Daniel Matsunaga?!

ADVERTISING

<b>Hanggang friendship lang talaga</b><br> Glaiza de Castro, ‘di type ni Daniel Matsunaga?!

<b>Hanggang friendship lang talaga</b><br> Glaiza de Castro, ‘di type ni Daniel Matsunaga?!FRIENDSHIP LANG pala ang mai-o-offer ni Daniel Matsunaga kay Glaiza de Castro.

ADVERTISING

Actually, natsismis ang dalawa when some of their followers noticed that they exchange tweets nowadays. Some people took it to mean that something romantic is brewing between them.

Sadly, walang romantic angle ang kanilang friendship. Baka hindi type ni Daniel ang beauty ni Glaiza, hindi kaya.

Deadma na rin ang binata sa tsismis na nagkakamabutihan na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. Wala na siyang pakialam sa ex-girlfriend niya na nagbigay sa kanya ng matinding heartache.

ADVERTISING

Siguro, for Daniel, Heart doesn’t exist anymore. How sad!

 

PARA KAY Phillip Salvador ay si John Lloyd ang isa sa pinakamagaling na actor na past twenty na.

“Pinakamagaling pa rin si John Lloyd Cruz. Actually, kung bibigyan niya ng chance sa galing niyang umarte puwede siyang mag-action,” sabi ni Phillip.

When asked kung aprub ba sa kanya si Edgar Allan Guzman bilang leading man ni Eugene Domingo sa stage adaptation ng Bona, “Magaling namang umarte ‘yon. Fan ako ni Uge. Si Allan mahusay naman ‘yon. Kung ipepelikula uli ‘yan, siguro bagay kay Dingdong Dantes.”

As an artista sobrang blessed si Kuya Ipe.

“I have worked with the best actors and directors. Nakatrabaho ko lahat ng pinakamagaling. Ako, sinasabi ko, my favorite leading lady is Gina Alajar. She brings out the best in you ‘pag kaeksena mo siya. Maski ano ang sabihin nila, kapag pumikit na ang mata ko, alam ko nakatrabaho ko na ang pinakamagagaling na artista.”

Siya nga pala, may bagong landas na gustong tahakin si Kuya Ipe dahil gusto niyang tumakbo bilang bise-gobernador ng Bulacan.

Why Bulacan? Kasi ito ang bayang pinagmulan ng kanyang ina na lumaki sa Baliuag, Bulacan.

 

BLIND ITEM: This beautiful actress displayed again her diva attitude.

She came to her favorite salon with some bodyguards but of course. There were other customers when she came pero time is seemingly of the essence for this maarteng artista that she called up the attention of the manager and asked her kung sino ang pinakamagaling mag-manicure, mag-pedicure at maggupit ng buhok.

Siyempre, nataranta ang manager pero binigyan naman siya ng kanilang pinakamagaling na staff.

Naloka lang ang mga customer doon kasi parang walang tiwala ang aktres. At parang reyna ito kung umasta dahil gusto niya ay magaling ang mag-aayos sa kanya. At gusto niya ay unahin siya, ha? Hindi lang siya feeling big star, feeling important pa.

Of course, marami ang na-turn off sa kanyang ginawa. Arogante para sa ibang naroroon ang inasal ng aktres na in fairness ay beautiful pa rin naman.

Da who ang aktres? Naku, garbong-garbo ang kanyang da-ting whenever she’s around kahit itanong n’yo pa sa favorite actress niyang tila walang hanggan ang kagandahan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING