Handler ni Maine Mendoza, bumuwelta rin sa PR head ng GMA Artist Center

ADVERTISING

Handler ni Maine Mendoza, bumuwelta rin sa PR head ng GMA Artist Center

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Isa ang handler ni Maine Mendoza na si Pat sa mga nag-react against Mark Sablan ng GMA Artist Center.

“Uhmmmm..may problema ba tayo??? FYI — you just don’t know kung anong hirap pinagdaanan ng tao..di ba puwedeng gusto lang tumulong??”

That was Pat’s Twitter post bilang sagot sa “aminin mo kya, na recognize mo si @mainedcm no? alam mong may camera noh,” tweet ni Mark.

Bash na katakot-takot ang inabot ni Mark na PR head pa namang naturingan ng GMAAC.

ADVERTISING

“bakit itong pr ng GMA..parang gustong sirain ang aldub…u have to be thankful to eatbulaga, nakilala lalo si alden.”

“Hindi lang lalo kundi nakilala talaga si Alden dahil sa Aldub at EB ngayon lang naman napansin si Alden eh kaya di ko gets kung anong pinaglalaban nitong Ibang staff ng GMA eh di naman sila nagpasikat kay Alden.”

“Inggit lang yan kase sila yung PR pero di marunong magpasikat ng talents nila. Buti pa yung APT. Dapat lumipat na si alden dun para magkasama na sila ni maine.”

“Judgemental much kasi tong si mark sablan. Malay asikasuhin ang trabaho nya bilang “pr” kaso sa trabaho nyang yun palpak pa sya palagi sa lahat ng aspeto ng pagiging “pr”. At hanggang ngayon wala paring ginagawang hakbang ang gmaac ukol sa Mr.sablan na yan. Tara gmaac kilos tayo. Yang mga ganyang tao ang sumisira sa imahe nyo. Naku naku naku talagang umiinit ang ulo Ko dito ke sablan. Wag mo ngang inaano si menggay malunggay.”

“At least si Direk Pat hindi nakikigamit ng hashtag at hindinfeeling smart. Si Sablan panay gamit pa ng AlDub hashtag for his “jokes”, meaning he really wanted people to see his posts. Akala nya siguro ma-aappreciate yung kalokohan nya. Mayabang talaga eh and hanggang ngayon yung apology nya kuno for his jokes made in public is still kept in his account that he has made private. Malakas lang ang loob magyabang at feeling comedian pero kapag confrontation na pa-victim effect ang drama. Very unprofessional.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING