Half-sisters KC and Garie Concepcion are enjoying their closeness

Half-sisters KC and Garie Concepcion are enjoying their closeness

Half-sisters KC and Garie Concepcion are enjoying their closenessMUKHANG CLOSE NA close na talaga ang magkapatid sa ama na sina KC Concepcion at Garie Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

Minsan nang nag-pictorial at na-interview nang magkasabay ang dalawa para sa inside page feature ng StarStudio magazine a few months back.

Last Thursday night, nakita namin si Garie na pinuntahan ang kanyang Ate KC sa ginawang interview ng huli kina Angel Locsin at Phil Younghusband sa isang hotel sa Makati, for The Buzz na ipinalabas nu’ng Linggo.

Nauna raw dumating ang TV host-actress-singer sa hotel na naka-white long dress. Maya-maya lang ay sunod nang dumating si Garie na naka-white outfit din na jeans and jacket. Tila may okasyong may color motif na pupuntahan ang magka-patid nu’ng gabing ‘yon, kaya siguro pareho silang naka-puting damit.

Habang ini-interview ni KC ang rumored hot couple, nakaupo lang sa isang tabi at pasensyosang hinihintay ni Garie na matapos sa kanyang trabaho ang kanyang half-sister.

Matapos ang eksklusibong panayam ng megadaughter kina Angel at Phil, pagkapaalam sa dalawa at sa mga staff, agad pinuntahan ng dalaga si Garie sa kinauupuan nito at sabay nang umalis ng hotel.

 

KAHIT BAKASYON SA paggawa ng pelikula at teleserye ngayon si Angel Locsin, kaliwa’t kanan pa rin ang kanyang mga commitment na hindi lahat na-accommodate nu’ng sabay s’yang nagsyu-shooting ng In The Name of Love with Aga Muhlach at taping ng Imortal with John Lloyd Cruz.

Kabi-kabila ang mga pictorial at shooting ng aktres para sa kanyang mga endorsements na minsan ay sa ibang bansa pa kinukunan.

Totoo kayang si Angel mismo ang nag-suggest sa pamunuan ng shampoo na kanyang ini-endorso na kunin si John Lloyd bilang male counterpart n’ya? Kung totoo man ito, tama lang na pinakinggan nila ang aktres na pagtambalin ang dalawa para lalo pang lumakas ang kanilang produkto sa publiko.

Patungo namang Paris si Angel bago matapos ang buwan na ‘to para sa international screening ng In The Name of Love. After the scheduled screenings, plano ni Gel (palayaw ni Angel) na mag-extend doon, kahit na ilang araw lang, para makapamasyal at makapagpahinga, kahit sandali. Makakasama ni Angel ang kanyang road manager na si Lynette.

Pero marami ang nagtatanong sa amin kung susunod ba raw ulit si Phil Younghusband sa “lucky charm” nitong si Angel sa Paris, gaya ng ginawa nito nu’ng nag-celebrate ng birthday ang aktres sa Hong Kong.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon