Habang nakikinig sa music niya
Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!

ADVERTISING

<i>Habang nakikinig sa music niya</i><br>Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!<i>Habang nakikinig sa music niya</i><br>Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!FANS OF Daniel Padilla went ballistic when they learned na pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose ang kanilang idolo.

Nakunan kasi sa video ang dalawa na nakikinig sa iisang earphone at ang sabi ay music ni Daniel ang pinatutugtog nila. After a while ay biglang natawa ang dalawa.

Kalat na kalat na sa social networking sites ang nasabing video at siyempre pa galit na galit ang fans ni Daniel.

“Tawa pa…. cgeh. aminado nmn c daniel n hndi tlga siya singer ee.. hndi porket singer kau pwde nio n syang gnyanin… >.<” sabi ng isang tagahanga ng actor.

“Maaaring di si Daniel ang may pinakamagandang boses sa buong mundo pero isa si Daniel sa pinakamabentang cd sa panahong ito.” OK Lang atlis si dj may araneta wala pang 1hour ubos na ang VIP ticket at Standing nalang available ngaun,” tili naman ng isa.

ADVERTISING

“Si DJ tinatry nia ung best nia kumanta.. Kumakanta sia para sa mga FANS :) hindi para laitin niyo lng,” sabi naman ng isang disappointed kina Elmo at Julie Ann.

“Very unprofessional ewwww,” parang may pandidiring sabi naman ng isang supporter ni Daniel.

Sino nga kaya ang pinagtatawanan nina Elmo at Julie Anne? Si Daniel kaya iyon? At bakit naman sila natawa?

<i>Habang nakikinig sa music niya</i><br>Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!It would also be interesting to know kung sino ang nagpakalat ng video. May mga kasamang friends sina Elmo at Julie Ann na posibleng kumuha ng video dahil sila-sila lang naman ang naroroon.

Ano kaya ang magiging reaction ni Daniel sa issue na ito? Knowing Daniel, hindi niya palalampasin ang intrigang ito nang hindi siya nagsasalita.

Actually, matabil ang dila ni Daniel. He speaks his mind at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Go figure kung ano ang magiging reaction niya.

 

NAKAKATAWA NAMAN ang nabasa naming chika na in-offer-an si Marian Something ng TV5 ng P120 million para lumipat lang ito sa kanila.

Bakit, ganoon na ba ang kumpiyansa ng TV5 na maiaangat ni Marian ang naghihingalo nilang rating?

Actually, mahirap paniwalaan na may ganoon kalaking offer ang TV5 kay Marian. At kung totoo ngang ganoon kalaki, aba’y tiyak na magsasayang lang sila ng datung.

Hindi na naman talaga nagre-rate ang TV shows ni Marian. Palaging talo ang kanyang programa ng katapat nito sa Dos kaya naman it’s not wise to give her that much offer.

One more thing, ‘yung movie nga niya ay hindi pa mai-release dahil sa takot ng producer na hindi kumita. Inurong nga ang playdate nito dahil until now ay pinapanood pa rin ang movie nina Sarah Geronimo at  John Lloyd Cruz.

‘Yan ba ang sikat?

 

WILL JANINE Tugonon be disappointed to know that her crush, The Script vocalist Danny O’ Donoghue, had the habit of flirting with women?

Apparently, girl chaser pala itong si Danny as an article recently came out na nag-flirt ito sa The Voice UK contestant. Napagalitan nga raw ito because inuna pa niya ang paglalandi sa female contestant kaysa sa trabaho niya as coach sa nasabing music talent search.

Nakipag-break si Janine sa boyfriend niyang si Jaypee Santos dahil kay Danny and for doing that ay katakut-takot na lait ang kanyang inabot sa mga social networking site.

Ang tanong, seryosohin kaya siya ni Danny?

Ang isa pang chika, si Janine daw ang nagpakilala sa kanyang sarili kay Danny. True ba itetch?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING