Habang lumalaki Anak na lalaki ni Carmina Villaroel, nagiging kahawig ni Aga Muhlach!

ADVERTISING

Habang lumalaki  Anak na lalaki ni Carmina Villaroel, nagiging kahawig ni Aga Muhlach!

Habang lumalaki  Anak na lalaki ni Carmina Villaroel, nagiging kahawig ni Aga Muhlach! NAKAUUMAY MAN ang banggaang Annabelle Rama at Nadia Montenegro, mayroon din namang mga isyung pinagtatalunan na roo’y lumilitaw kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo, at kung alin din naman mula sa mga salitang namutawi sa kanilang mga bibig ang parang paghihiganti at galit lang ang pinanggagalingan.

ADVERTISING

Pero nitong huli, hindi maganda ang dating na parang si Ynna Asistio ay naghuhugas-kamay tungkol sa isyung diumano’y tangkang pagbubugaw ng mommy ni Ruffa Gutierrez.

Sa interbyu naman kasi talaga ni Ynna, kahit iligaw pa sa ngayon ang isyu tungkol sa kanyang hindi direktang pahiwatig tungkol sa tangkang pambubugaw, nakaiinsulto rin para kay Annabelle ang mga naglabasang balita mula sa mga sinabi ni Ynna, dahil ang pahiwatig na naglabasan sa mga diyaryo ay parang nagtangka nga ang wife ni Tito Eddie Gutierrez na irampa ang mga menor de edad na anak ni Nadia sa mga kalalakihan.

Ilang ulit nang nalinis ni Annabelle ang kanyang pangalan tungkol sa malisyosong balita na ‘yan, at matagal na panahong nanahimik ang mga bintang na iyan sa kanya. Kaya sa muling pagbibintang sa kanya tungkol sa pambubugaw, sumusulak talaga ang galit ni Annabelle kay Ynna. Kaya baka kapusin sa mga paliwanag at paglilinaw na salitang gagawin ang anak ni Nadia para mapatunayang wala talaga siyang ganu’ng ibinibintang sa mommy ni Richard Gutierrez.

ADVERTISING

 

NAGSIMULA KAMING magsulat sa showbiz nu’ng panahong sumisikat nang talaga si Carmina Villaroel, kaya natatandaaan namin na ang isa sa maganda niyang ugali bilang tsikadora ay ‘yung kapag iniinterbyu siya ay wala siyang iniiwang tanong na hindi nabibigyan ng kasagutan. Kaya talagang sa mga panahong ito ay masarap siyang hingan ng reaksiyon tungkol sa walang katapusang pagtatanong ng press kung bakit sa tuwing makikita nila ang guwapong anak nilang lalaki ni Zoren Legaspi mula sa kanilang kambal, ay mukha ni Aga Muhlach ang kanilang naiisip.

Bagets na ‘yung anak na lalaki nina Carmina at Zoren. Commercial model na rin ang nasabing bata, na sinasabing kahawig na kahawig ni Aga. Nagkasama raw kasi rati sina Mina at ang husband ni Charlene Gonzales sa isang sitcom.  Pero napakatagal na noon at bagets pa ang magandang TV host. Samantalang alam din naman natin na nagkahiwalay muna sina Mina at ang kanyang dating husband na si Rustom Padilla, bago umentra sa buhay niya ang brother ni Kier Legaspi.

Tuluyan bang magbibinata ang anak nina Carmina at Zoren na habang pinagmamasdan siya ng mga taga-showbiz ay mukha ni Aga ang iniisip nila? Sina Carmina, Zoren at Aga ay mga artistang hindi pikon, dahil kapag ibinato mo sa kanila nang maayos ang isang delikadong tanong ay cool na cool din nilang sinasagot ang isyu. Kaya una na dapat ang tsikadorang si Carmina na magbigay-linaw sa tsikahang ito, para matuldukan na ‘yan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING