Haba ng hair ng Kiray!

ADVERTISING

Haba ng hair ng Kiray!

SI KIRAY NA ang may pinakamahabang hair after ng 15th birthday niya. Wala nang kokontra pa! Ayaw ng ganyan ni Papa P., huh! Well, hindi pa mandin pamilyar sa publiko ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, heto at nali-link na ito kay Kiray. Chikka naman ng kikay na young star, wala naman daw ligawan factor sa pagitan nilang dalawa, close lang daw talaga sila. In showbiz “We’re just friends”. So ayan, Papa P., chillax lang! Huwag ka nang masyadong mag-react. Marami kasi ang nagtaas ng kilay sa reaksiyon ni Papa P. sa interview nito. Mukhang super against ang daddy ni Iñigo. May tama naman kasi itong boyfriend ni KC, mga bata pa sila at hindi maganda na masangkot sila sa ganitong klase ng intriga. ‘Yun lang ‘yun, ‘noh!

ADVERTISING

Photos by Fernan Sucalit, Mark Atienza and Parazzi Wires

By Rochelle Marie Sarsosa

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING