Gwen Zamora, walang panahon para patulan ang bashers

Gwen Zamora, walang panahon para patulan ang bashers

Gwen-ZamoraKUNTENTO AT masaya ngayon si Gwen Zamora. Blessed siya at kasama pa rin siya sa longest running gag show na Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7 at sa seryeng My Mother’s Secret. Kabila-kabila rin ang guesting niya sa iba’t ibang show ng Kapuso Network.

Maganda rin ang nangyayari sa kanyang personal life at inspirado dahil may nagpapasaya sa kanya ngayon matapos makipaghiwalay sa matagal na niyang boyfriend.

Dahil sa mga blessing at super happy naman siya kaya wala na raw siyang panahon pa na pansinin ang kanyang mga bashers. At kahit kailan ay hindi raw niya papatulan ang mga ginagawang paninira sa kanya dahil mas kilala niya ang sarili.

“I’m not the type to step on anyone’s toe, so wala, deadma lang,” say ni Gwen sa mga bashers niya.

Kaysa patulan at pansinin pa ang mga basher niya, mas pagtutuunan na lang niya daw ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

“I talk to my friends, I like to debate with my friends. They’re the best people to express yourself with. There are reason why you’re friends. You’re all on the same wavelength so I guess it’s easier for you to open up to them,” katuwiran pa ni Gwen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo