Gwen Zamora to star in an Indonesian film!

ADVERTISING

Gwen Zamora to star in an Indonesian film! ISANG MALAKING SORPRESA ang bumulaga sa Kapuso star na si Gwen Zamora nang sabihin sa kanya ng artist center na siya ay napili ng Indonesian film production para sa isang pelikula na gagawin sa kanilang bansa.

Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil isa itong napakalaking oportunidad sa kanya na mapabilang sa isang international film. Hindi lang basta kabilang sa cast, kundi siya mismo ang magdadala sa takbo ng istorya.

May idea na umano siya sa pelikula dahil ipinakita na umano sa kanya ang script at ipinaliwanag. Starring role siya sa “The Witness” bilang si Angel na isang Pinoy expat. Anak siya rito ng isang Indonesian citizen sa isang Pinay. Sa ama siya lumaki at napatay ito ng isang sindikato. Siya ang tanging saksi sa pagkamatay ng ama.

Dahil pinaghahanap siya ng mga salarin, napilitan siyang magtago at balak din niya ang makapaghiganti. Hanggang sa makilala niya ang tanging taong makakatulong niya, ang taong magpapatibok ng kanyang puso – ang sikat na aktor sa Indonesia na si Tyo Pakusa Dewol. Makakasama rin niya ang isa ring sikat na aktres doon na si Archemi Paksin bilang kanyang kapatid. Ang tema umano ng pelikula ay drama, action at suspense.

Nakaalis na si Gwen patungong Indonesia noong June 29 at uuwi naman siya ng July 24. Isang linggo raw muna siyang iwo-workshop doon, bago pa simulan ang shooting ng pelikula.

ADVERTISING

Sa edad na 20, filmmaking na ang gustong matutunan ni Gwen, kaya naman nag-enrol siya sa Mandarin International University for Arts and Business. Pangarap niya na someday ay maging isang sikat na direktor. Idol naman niya sa acting si Iza Calzado at si Johnny Depp naman sa actor. Mas hilig pa raw umano niya ang action film kaysa sa ibang role, pero kakayanin naman daw niya kung anuman ang ibigay na role sa kanya. May pagka-boyish kasi siya sa kilos kaya mahilig sa sports. Kapag wala siyang trabaho ay libangan na niya ang mag-jetski. Kaya mas madalas niyang puntahan ang Subic Bay.

 

Gwen Zamora to star in an Indonesian film!

By Luz Candaba

ADVERTISING