Gwen Zamora, na-in love sa kaibigang si Jeremy Marquez

Gwen Zamora, na-in love sa kaibigang si Jeremy Marquez

Gwen-Zamora-Jeremy-MarquezMATAPOS ANG ilang buwan ng kalungkutan ay back to work na uli si Gwen Zamora. At tamang-tama naman, may teleseryeng naghihintay sa kanya.

Huling teleserye ni Gwen ay Innamorata at nag-concentrate na lang muna siya sa restaurant business nila ng kanyang ex-boyfriend na si Raymund Romualdez.

At buti na lang nandiyan pa rin ang tanging show niya sa GMA 7, ang Bubble Gang, na siyang naging sandalan niya sa oras ng kalungkutan. Kaya kahit anong mangyari, hindi niya lilisanin ang nasabing longest running gag show ng Kapuso Network na napapanood every Friday evening.

Kasama siya ngayon sa bagong serye na Family Secrets with Kim Rodriquez, Kiko Estrada, atbp.

“It feels good to be back doing drama. Sobrang challenging ito for me. But that’s the fun part of drama. I love it,” naka-smile na say ni Gwen.

After break-up kay Raymund Romualdez, ang napapabalitang nagpapasaya ngayon kay Gwen ay ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez.

Ayon kay Gwen, five years na silang magkaibigan ni Jeremy at ngayon lang daw sila na-in love sa isa’t isa.

“Jeremy inspires me. He always say things na masarap pakinggan. I thank God that I fell in love with my friend,” pagtatapos ni Gwen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo