Gwen Zamora, may ibubuga rin sa serious acting

Gwen Zamora, may ibubuga rin sa serious acting

Gwen-ZamoraA SCHEMING, obsessive woman in GMA’s Binoy Henyo, pinahanga kami ni Gwen Zamora dahil may ibubuga pala siya sa serious acting. This Monday, kailangang patunayan ni Gwen na hindi lang tsamba ang kanyang husay via My Mother’s Secret as she plays another contravida role bilang ambisyosang si Vivian.

More than a pretty face, mas kailangang mag-effort si Gwen dahil bukod kay Christian Bautista who excels in musical plays ay gaganap bilang inabandona niyang anak si Kim Rodriguez who can produce tears in an instant.

Playing Gwen’s sister is Meryl Soriano, kailangan pa bang tanungin kung kanino ito nagmana ng galing sa pag-arte?

Idagdag pa ang theatre actress na si Shamaine Buencamino, expect an early primetime soap of histrionics.

With a cast of acting reliables, no wonder, in full force ang mga lady executives ng GMA.

Obserbasyon lang namin, puwede rin palang bansagang “Kapamilya” ang GMA, what its record of soaps whose titles have employed members of the family: My HUSBAND’s LOVER, Ang Dalawang MRS. Real, The Rich Man’s DAUGHTER, ‘etong My MOTHER’s Secret, isama na rin ang UNCLE Bob and Friends many, many years ago.

 

ANOTHER RIOTOUS episode of Ismol Family comes your way this Sunday.

Sakit ng ulo ni Mama A si Bobong, kesyo wala raw itong silbi. Pero isang araw, nakapulot si Bobong ng bag sa loob ng taxi, na puno ng pera.

Dahil sa kanyang instant wealth, naging galante siya. Sagot niya ang pocket money ni Yumi sa Baguio trip nito. Siya rin ang gumastos sa repair ng bahay ni Mama A. Si Bobong din ang nagbayad ng share ni Bernie sa bakery.

Having acquired money na hindi naman niya pinagpaguran, ang pagiging bukas-palad ba ni Bobong ay magpapabago ng kanyang ugali?

Kaso, may mga goons na naghahanap ng nawawalang bag, is Bobong their target?

Samantala, nagtatampo naman si Bernie kina Jingo at Majay. Gusto niya tuloy bawiin ang kanyang share sa kanilang negosyo and put up his own.

All this and more, abangan sa Ismol Family ngayong Linggo pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III