Guys na na-link kay Sarah Geronimo, complicated? – Tita Swarding

ADVERTISING

Guys na na-link kay Sarah Geronimo, complicated? – Tita Swarding

Guys na na-link kay Sarah Geronimo, complicated? – Tita SwardingOLACHIKKA. MAHULAAN N’YO kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil hindi n’yo rin mate-take ang mga kabalbalan na ginagawa ng idol ng bayan na si singer-actor. O, maaga pa lang may clue na. By the way, any way, high way, super fresh ang balitang ito na blind item na galing sa isang probinsya kung saan lumaki itong si sikat na idol ng bayan. Ang nakakaloka, marami-rami na raw ang naanakan nitong si sikat na idol na ito. Ngunit ang hindi ko ma-take, ang isang sikat na lady broadcaster din sa isang sikat din na probinsiya ay hindi pinalagpas nitong idol ng bayan. Kalerke, ha! Dahil naanakan niya pala ito. Matagal na palang hindi nakabalik sa work itng si broadcaster dahil natangal sa work, huh.!(siyempre, hindi na talaga siya makababalik, ‘noh!) kaya binigyan na lang daw itong si sikat na broadcaster ng pang negosyo ni idol ng bayan.

ADVERTISING

Ang nakarating sa akin, isang convenience store ang binigay na negosyo. Kaya pala natanggal itong si lady broadcaster ay dahil nalaman ng asawa ni idol ng bayan na may lihim silang relasyon ng asawa nito. Siyempre, powerful na sila kaya  kahit sino pwede na ipatangal ng asawa ni idol ng bayan. Nakakaloka, ha! Pero hanggang ngayon hindi na raw suportado ni idol ng bayan ang anak nito sa isang lady broadcaster. Tama na raw ang isang convenience store na ibinigay nito. Ano raw?  Nawindang ako ru’n ha!

Ayaw nang maghabol ni lady broadcaster dahil mapapahiya lamang daw siya. Malaki na ang anak nitong si idol ng bayan sa isang lady broadcaster na ito. Kung hindi ako nagkakamali, four years old na. O, loka kayo, ‘noh!.

Nahulaan n’yo na kung sino itong aking pinahuhulaan sa inyo? Wala nang clue. ‘Yun na!

ADVERTISING

MASYADONG OA NA sa panlasa ng publiko ang kalerkehan ni Mariel Rodreguez. Kung hindi lang sa kasamahan nitong si Pokwang ay hindi siya madadala. Buti nalang at magaling si Pokwang hindi lang sa kalokohan kundi pati na rin sa pagho-host.  Ayun, nadadala niya ang kalokahan ni Mariel na kahit itapat sa mga kasamahang host tulad nina Valerie Concepion at RR Enriquez ay walang mangyayari. Marami ang hindi masyadong  nagagandahan sa style ni Mariel lalo na sa portion ng Wowowee na Hephep, Hurray! Ang inaabangan ng lahat ay ang kung ano ang mga pasabog ni Pokwang at hindi ang kaartehan ni Mariel at ang sintunado nitong boses. Hindi rin si Willie Revillame ang inaabangan dahil mula ng mawala si Willie at hangang sa bumalik ay ganu’n pa rin naman ang rating, walang pagbabago. Hmmm…..dahil carry ni Pokwang at ng ibang mga guest na inaabangan ng mga tao, ‘di ba?

ANO BA NAMAN ito? Nawindang ako sa tsikang ito, pero ako rin ay nakapag-isip dahil lahat ng mga lalaki na na-link sa batang actress- singer na si Sarah Geronimo ay mga complicated,huh!

Alam n’yo naman kung ano ang complicated, ‘noh? Hindi na kailangang i-memorize ‘yan!

Unang na link ang namesung ng batang singer kay Piolo Pascual na pinaghihinalaan ang gender at sa imbyerna ni Piolo dahil na-link ang name niya sa isang actor din ay  nauwi ito sa kaso. Sunod na na-link ang pangalan ni Sarah sa kapatid ni Randy Santiago na si Rowel Santiago na naintriga rin ang kasarian. Hanggang sa nail-link ngayon ang batang singer sa isa pa raw complicated, si John Lloyd Cruz na nagkaron ng movie kay Luis Manzano.

Kaloka, ha! Ano kaya ang masasabi ng ina ni Sarah Geronimo na si  Mommy Divine? Kalerke, ha! At may humabol pa na isa ring pinaghihinalaan ang gender, ang singer-actor na si Mark Bautista. Ano ba talaga? Itong Parazzi Girl ko, nakakaloka ang itsinikka sa akin. Ha! Ha! Ha! Ang lahat daw ng nabangit na mga name ng mga lalaking na-link sa pangalan ni Sarah Geronimo ay sinasabing complicated ang mga gender. Ayaw na ayaw ni Mommy Divine ng ganyan. Ha! Ha! HA! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING