Guwapong young actor, ‘time bomb’ ang amoy ng kili-kili!

SINO ITONG young actor na ito na sumisibol na ang kanyang kasikatan dahil sa kanyang youth-oriented TV show at ilang teleserye at maging pelikula?

In fairness naman daw, sabi ng aking source, marunong naman daw umarte si young actor at mukhang natuto nang mag-emote sa harap ng camera. Super promote nga ang ginagawa sa kanya ng kanyang mother network dahil lately ay kinilala raw ang kanyang acting capability.

Perfect na raw sana itong si young actor dahil guwapo na ay malaki naman ang potential na sumikat. Ang problema nga lang ay huwag lamang siyang papawisan sa set dahil ala- time bomb daw ang amoy ng kanyang kili-kili. In short may putok or body odor si young actor.

Kaya iniiwas daw sa mga roles na papawisan si poging aktor dahil maging ang mga kasamahan niyang mga artista sa show ay hindi kumportable sa kanilang naamoy. Hindi lang daw madiretsang sabihan, kahit ng mga staff, si young actor sa kanyang mala- shawarmang amoy sa kili-kili dahil baka mapahiya ito. Tinitiis na lang daw nila o lumalayo sa kanya kung sumasabog na ang kanyang time bomb sa kili-kili.

Clue? Hmmm…. Ang kanyang namesung ay parang tirahan ng mga relihiyosong tao. ‘Yun na!

(By Sherween Eslava)