Guwapong produkto ng talent search, ‘kapwa ko, mahal ko’ ang drama?!

ADVERTISING

NAKU, TIYAK NA malulungkot ang mga bading sa itsitsika namin sa kanila. Sana, hindi ito true, at sana nga, sinisiraan lang siya ng aming kausap.

‘Eto nga ang tsika. Instantly ay umaani ng mga gay at female fans ang isang produkto ng isang contest sa telebisyon.  Hindi man siya pinalad na magwagi eh, kuha naman niya ang mga girls at mga gays dahil sa ang guwapo naman talaga ng face nito, in fairness.

ADVERTISING

Pero me nagtsika na meron daw itong dyowang isang “bi” at very discreet naman daw ang kanilang paglabas-labas at pagkikita kapag nagkakakembutan na.

Samakatuwid, si guwapong bagets ay isa palang – kung paniniwalaan ang aming source – “kapwa ko, mahal ko” rin ang hanap?

Hindi na muna kami magbibigay ng mga bonggang clue. Ire-research namin ito kung true. Basta kami’y nalungkot din, dahil kahawig pa naman nito ang guwapong young actor na balitang “napapariwara” naman ang buhay kaya walang career.

ADVERTISING

So ang initials pala ng kanyang name ang nagbubuko sa kanya?

Oh, no!

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING