Guwapong bagets actor, ginagawang girl na girl ang mayamang gay benefactor!

ADVERTISING

SINO ANG guwapong bagets actor na ito na ang itsura ay akala mo, hindi pumapatol sa bading, pero meron pala siyang isang mayamang gay benefactor, huh!

Aba’y hindi naman namin siya kinokondena diyan, ‘no! Dahil choice niya ‘yan, eh. Hindi rin namin sasabihing mali ang ginagawa niya, dahil wala naman siyang inaagrabyadong ibang tao. Bagkus nagpapaligaya pa nga siya, eh. Hahahaha!

ADVERTISING

Pero ang gay benefactor niya ay girl na girl pagdating sa kanya. Super seloso raw itong bagets, dahil ‘pag pupunta ito sa condo ng bading ay may-I-text ito na, “Ayoko ng may ibang guys diyan, ha? Mag-aaway tayo!”

O, ‘di ba, ang haba-haba ng hair ng bading? Sa magkano naman kayang halaga ‘yon, ‘no? Hahaha!

Anyway, lahat ng gusto ng bagets ay nabibili niya, dahil sa bading na ito.

ADVERTISING

At sino ba ang bagets na ito?

Ang clue namin?

Ang kanyang pangalan ay present sa pelikula, sa teleserye, sa mga TV shows at bahagi ng production.

Sa twitterworld naman matatagpuan ang kanyang ehem-ehem!

(By Ogie Diaz)

 

ADVERTISING