Guwapong aktor, uma-attend ng presscon na parang nakatira

ADVERTISING

BLIND ITEM: Marami ang nakapuna sa dating ng isang guwapong aktor na um-attend sa isang presscon. Pagharap nito sa movie press kasama ang iba pang nasa cast ay kapansin-pansing parang seryosong-seryoso ang mukha nito at tila bihirang ngumiti.

At ‘pag nagsasalita ay nakatingin ito sa malayo at parang tulala. Ano ba ‘tong batang ito? Ba’t lutang na lutang siya? Nakatira ba ito ng “something” bago dumating sa presscon?

ADVERTISING

Noon pa namin naririnig na itong batang ito ay tumitira ng “something” kaya minsang nagte-taping ito ng teleserye ay parang nawirduhan sa kanya ang staff, dahil parang hindi “normal” ang ikinikilos nito sa set.

Sana lang, magbago na ang bagets na ito. Sayang, ang husay pa naman niyang umarte. ‘Wag niyang gawing joke, joke, joke ang kanyang career. Baka maagaw sa kanya ang puwesto niya, siya rin. Ka-initial kaya niya ang tinitira niyang droga?

By Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING