Gustong i-share ang kaligayahan nila Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, inamin na ang kanilang relasyon!

ADVERTISING

Gustong i-share ang kaligayahan nila Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, inamin na ang kanilang relasyon!

Gustong i-share ang kaligayahan nila Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, inamin na ang kanilang relasyon!

ROMANCE IS DEFINITELY in the air kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Bea recently celebrated a star-studded party titled Behold, 10 Years of Brilliance, 24 Years of Wonder na dinaluhan ng kanyang mga close friends.

“It’s my 10th anniversary sa business so feeling ko I have to give. This one kasi is to give back to those people na naging parte ng 10 years ko. [I’m] very happy kasi nagpunta iyong mga friends ko. I feel so loved,” sabi ni Bea.

When talking to Bea ay hindi puwedeng hindi mabanggit ang pangalan ni Zanjoe sa usapan and vice versa. And whether they like it or not ay kakabit na nila ang pangalan ng isa’t isa.

ADVERTISING

Walang duda that Bea is very special to Zanjoe at halata mo sa mga mata at kilos ng aktor that he is head over heels in-love with Bea. Sa katunayan, si Zanjoe pa ang nag-imbita sa karamihan ng mga taong dumalo sa party.

Nakakatuwa ang palitan nila ng pahayag tungkol sa tanong kung si Bea na nga ba ang posibleng makasama ni Zanjoe sa buhay. Sabi ni Zanjoe, “Nasa kanya na lahat ang mga qualities ng isang babae na gustong mong ibahay.” Hirit ni Bea, “Pahingi muna ng bahay.” Sagot naman ni Zanjoe, “Iyon lang ang problema. Walang bahay.”

Zanjoe is very vocal in admitting that he is in love with Bea and that he sees Bea as the woman he wants to spend the rest of his life with.

They are very comfortable with each other even in-front of the cameras. Parang lalanggamin sa kasweetan ang dalawa kaya naman tinanong sila ng The Buzz kung ano na ang estado ng kanilang relasyon. “Okay naman. Masaya naman ako,” sabi ni Bea. Sinabi naman ni Zanjoe na bumili ng November issue ng Star Studio dahil nandoon lahat ang mga gustong malaman ng publiko.

But in her birthday press confe-rence last October 12, Bea finally admitted that she’s already in a committed relationship with Zanjoe since March. Nang tanungin sila kung bakit inamin na nila ang real score sa kanilang dalawa, Bea and Zanjoe said they wanted to share their happiness to everyone.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING