Gumaya kay Maine: Nadine Lustre, nag-deactivate na rin ng Twitter!

ADVERTISING
Gumaya kay Maine: Nadine Lustre, nag-deactivate na rin ng Twitter!
Nadine Lustre (courtesy of Facebook: @OfficialNadzLustre)

SUNOD-SUNOD yata ang mga sikat na female celebrities natin na nagde-deactivate ng Twitter. Months ago ay nilayasan ni Maine Mendoza ang nasabing social networking site dahil hindi niya kinayang mabasa ang mga tweets ng mga fans at bashers niya about her involvement with Sef Cadayona. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalik-loob ang Reyna ng ALDUBnation.

Today naman ay ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre naman ang nag-baboo sa Twitter. Isang malaking palaisipan ang biglaang pag-deactivate ng dalaga ng kanyang account dahil parang nalagpasan naman niya ang mga recent controversies na nasangkot siya. Ang huli nga ay ang kanyang diretsong opinyon tungkol sa diumano’y pagsasama nila ni James Reid sa isang bahay.

Ayon sa aming nakalap na tsika, ang mga fans daw ni Nadine mismo ang dahilan kung bakit mas pinili niya na ‘mag-cooldown’ muna by deactivating her account. Siguro ay hindi na rin niya nakayanan na magbasa ng negativity sa kanyang timeline.

May fangroup diumano si Nadine na nakiusap sa mga followers na huwag masyadong magpost ng mga super personal and private updates/photos nina James Reid at Nadine.

Gumaya kay Maine: Nadine Lustre, nag-deactivate na rin ng Twitter!
Nadine Lustre and James Reidivati

May isa pang loyal follower diumano na nag-suggest na lagyan na lang ng sticker ang mukha ni Nadine or ni James kung magpopost man sila ng private moments ng dalawa, na hindi raw nagustuhan ni Nadine.

ADVERTISING

Hindi na kami nakakuha ng screencap ng huling tweet ni Nadine bago ito nag-deactivate.

Sa dami nga naman ng isyu na pinagdaanan ni Nadine recently, baka ang pag-deactivate ng kanyang Twitter account ang pinakamagandang paraan para makaiwas siya sa negativity kahit sandali lang. Digital detox ka muna, gurl.

ADVERTISING