Guesswhodoes: Luis Manzano and Angel Locsin does the ‘LQ’

Guesswhodoes: Luis Manzano and Angel Locsin does the ‘LQ’

Kahit pa patok na patok ang tambalang Sam Milby at Angel Locsin sa Only You at inaabangan naman ang kakaibang pagsasama nina John Lloyd Cruz at Luis Manzano, going strong pa rin ang real-life romance nina Luis at Angel.

Nag-umpisa diumano ang kanilang pag-iibigan nang lumipad ang dating Darna sa bakuran ng Dos. Alam naman nating lahat na kilalang-kilala ang binata ni Ate Vi sa panliligaw ng mga dalagang nag-oober da bakod (‘Di ba Anne and Toni?! Oooops!), pero wala siyang napasagot. Marami ang natuwa na sa wakas ay naging ‘lucky’ in love na si Luis sa piling ng kanyang Angel.

Nagkaroon ng balita ilang buwan na’ng nakakaraan na nagkaroon ng konting ‘lovers quarrel’ ang dalawa na umabot pa sa parinigan sa Facebook. Kalowkah, huh?!

Normal lang naman sa magkasintahan ang laging nagkakatampuhan, ‘di ba?! Lalo pa siguro kung pareho kayong Taurus, pero ang totoo ay nagpapapansin lang. Choz!

Huling-huli sa isang pambihirang pagkakataon ng ating kamerang-gala ang dalawa na magkasama. Bagay na bagay naman talaga sila, ‘di ba?!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit

Guesswhodoes: Luis Manzano and Angel Locsin does the ‘LQ’