Gretchen Barretto, piniling manahimik sa debut ni Julia Barretto

Gretchen Barretto, piniling manahimik sa debut ni Julia Barretto

Gretchen-Barretto-Julia-BarrettoKAHAPON NA pala ang debut ni Julia Barretto at ang dinig ko pupunta lahat ng pamilya nito, pati ang mga nakaalitan ng Mommy niya niya.

Alam ko nag-okay na sina Mommy Inday na darating daw sila. Pati raw si Claudine ay darating din at malamang magkasama na rin sila roon ni Raymart Santiago dahil dadalo rin daw ito. Kaya happy family na talaga sila, kung magkakasama sila roon sa debut at magkakabati na silang lahat.

Tanging si Gretchen Barretto lang ang wala, dahil lumipad na ito patungong London.

Ayaw lang niyang magsalita tungkol sa debut ng pamangkin niya, lalo na sa isyu ng pamilya. Mas mabuting manahimik na lang daw siya. Kaya ang ibang mga reporters na nagpapalusot ng tanong tungkol sa pamilya, sinusupalpal niya.

Kung magkakaayos na sina Julia at ang ama niyang si Dennis Padilla, tingnan na lang natin kung matutuloy pa ang hearing ng petition to change name na isinumite ni Julia.

Sabi naman kasi niya, hindi na kailangang magpalit ng pangalan, kaya baka ma-dismiss na nga ang kaso nila.

Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis