Gretchen Barretto, nakipagtalakan sa Instagram basher na ‘di raw iba sa kanya

ADVERTISING

Gretchen Barretto, nakipagtalakan sa Instagram basher na ‘di raw iba sa kanya

Gretchen Barretto, nakipagtalakan sa Instagram basher na ‘di raw iba sa kanyaHINDI NA nakapagpigil si Gretchen Barretto na patulan ang isang basher na nag-post ng maanghang na komento sa kanyang Instagram account.

Habang sinasagot ni Gretta ang basher, parang kilala niya kung sino ito na gumamit ng alias na ‘Marjoriekabit’ na nag-comment ng: “Gosh nakakahiya kayo. Bakit ‘di mag-work si Marj to support her children. Get a life.”

‘Di pilampas ni Gretta ang basher kaya sinagot niya ng: “Does it seem like it matters to me. It does seem like you are so envious that you need to make an account to bash us. Pity you, you keep stalking us. It is pure joy to know you are so consumed by our lives. Keep it going. Keep stalking. We know who you are…”

May sinabi pa si Gretta sa basher, pero ‘di ito nagpatalo dahil sumagot ito ng: “I will never get envious with your life. I’m contented with my life. I don’t wanna be a mistress just to have luxurious life. You and Marj are so pathetic. Sending Claudia (anak nina Dennis Padilla at Marorie Barretto) in BSM is a surprise because I know Marj doesn’t have enough money for the tuition there knowing that she doesn’t have stable job. Unless she has a new sugar daddy. If you know what I mean.”

ADVERTISING

Muling sinagot ni Gretta ang basher na pinaghihinalaan niyang hindi ito iba sa kanya. Mahaba pa ang naging sagutan ng dalawa at kung gusto ninyong malaman ang iba pang sagutan ng dalawa, basahin ninyo na lang sa Instagram account ni Gretchen.

Samantalang kahit na siguro siraan si Gretta, walang epekto dahil open book na ang buhay nito at ayaw naming isipin na marami pa rin ang naiinggit sa actress na naging practical lang sa buhay.

Gretchen Barretto, nakipagtalakan sa Instagram basher na ‘di raw iba sa kanya

Gov. Vi, puring-puri sina Marian at Piolo

 

NAGPASALAMAT SI Lipa Gov. Vilma Santos kay Marian Rivera dahil nagboluntaryo itong lumabas sa kanyang indie film na Ekstra. Tsika ni Ate Vi, hindi pa raw sila nagkita at nagkakausap ni Marian.

Pero hindi raw nag-alintana ang actress na tanggapin ang offer at nagpakita pa raw ito ng malaking excitement sa pagkakasama niya sa pelikula ng Star For All Seasons. Kaya naman nang dumating ng set si Marian ay personal daw na pinuntahan ni Ate Vi sa dressing room para pasalamatan.

Dahil sa naging magandang samahan nila sa shooting ay “Baby Marian” ang tawag ni Ate Vi sa dyowa ni Dingdong Dantes dahil itinuring na niya itong anak.

Lumabas din daw si Marian sa isa sa sorties ng kampanya ni Ate Vi noong election kaya lalong kinilala ng Star For All Seasons ang kabutihan ni Marian.

Bukod kay Marian, puring-puri rin ni Ate Vi si Piolo Pascual dahil mula pa sa Bataan ay pumunta ito sa location nila para kunan ang eksena. “Anak” naman ang turing ni Ate Vi sa actor dahil ginampanan ni Piolo ang role na anak niya sa pelikulang Dekada ‘70.

Nagpasalamat din si Ate Vi sa lahat ng mga nagsipanood ng Ekstra sa mga sinehan. Maging ang mga Noranian na laging naka-text sa inyong lingkod na walang magawa kundi ipagtanggol ang kanilang idolo na si Nora Aunor.

Kapag nagsulat na hindi maganda sa panlasa nitong walang magawa super fanatic ng Superstar ay magte-text kaagad pero wala namang lakas ng loob na magpakilala at nagtatago sa iba’t-ibang number ng cellphone.

Hindi mo naman dapat patulan ang isang super fanatic na ito dahil magiging baliw ka lang na matuturing kapag pumatol ka sa isang baliw! Hahahaha!

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING