Gretchen Barretto, nagtaray sa reporter!

ADVERTISING

Gretchen Barretto, nagtaray sa reporter!

Gretchen Barretto, nagtaray sa reporter!NAKUWENTO NGA sa akin ng staff ng Startalk ‘yung pagtataray ni Gretchen Barretto sa mga nag-interview sa kanya sa awards night ng Cinemalaya 2013 nu’ng nakaraang Linggo.

Nairita raw ito na lagi na lang tinatanong sa kanya ang tungkol sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Lagi na lang daw siya idinadawit sa isyu ng pamilya gayung itinakwil naman daw siya.

Kaya hindi na raw siya Barretto, at ang kinikilala na lang niyang kapatid ay sina Marjorie at Jayjay.

ADVERTISING

Nakakaloka na itong gulo ng pamilya Barretto. Hindi na talaga magandang tingnan at ‘di na dapat sinusubaybayan.

Dapat magsalita na rin siguro si Inday Baretto at kung maayos pa ba niya ang pamilya.

Ang isa pang ikinairita ni Gretchen nang tinanong ito kung ipinagdarasal ba niya ang pamilya at ang pinagdaanan ngayon ng mag-asawang Raymart at Claudine.

Naloka ang mga reporters sa sagot niya na ano naman daw ang pakialam ng mga ito sa pinagdarasal niya, “Are you God?” sabi nito sa reporter ng GMA 7 News.

Bakit daw pati dasal niya pinapakialaman. Kung anu-ano na ang mga sinabi sa harap mismo ng kamera.

Tingin n’yo titigil na riyan si Gretchen? Hindi, ‘day! Type na type naman niya ang ganyan, eh. I’m sure marami pa ‘yang sasabihin at baka nga guest pa ‘yan sa The Buzz sa Linggo, eh. Tingnan na lang natin.

Hay, naku! Ayaw talaga paawat ang mga Barretto.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING