Gretchen Barretto, may death threat mula sa ama niya?!

ADVERTISING

Gretchen Barretto, may death threat mula sa ama niya?!

Gretchen-BarrettoNAKAKALOKA NA itong pamilya Barretto, ha?!

Dumalo pala si Gretchen Barretto sa hearing ng kasong Permanent Protection Order at Child Custody nina Raymart Santiago at Claudine Barretto kahapon ng umaga.

Isinalang si Gretchen Barretto sa witness stand para mag-testify kay Raymart.

Sabi ng aktres, ginawa raw niya ‘yun bilang pagmamahal kay Claudine, dahil mahal daw niya ang kanyang kapatid.

ADVERTISING

Kailangan daw mabago ang kapatid niya kaya siya nag-testify laban kay Claudine.

Ang isa pang nakakalokang kuwento ni Gretchen, may threat pa raw sa Daddy niya na kung sakaling dumating daw sila sa hearing kasama ang kapatid niyang si JJ, babarilin daw sila.

May ganu’n na talaga? Nakakaloka ‘yan! Hanggang barilan na talaga, eh kahit anong mangyari pamilya pa rin sila.

Naku, day! Sana iwan na sa 2013 ang mga ganyang negatibong balita. Hindi na talaga maganda!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING