Gretchen Barretto at Marjorie Barretto, may huling habilin na mula sa ina

ADVERTISING

Gretchen Barretto at Marjorie Barretto, may huling habilin na mula sa ina

Gretchen-Barretto-Marjorie-BarrettoSELDOM DOES Mrs. Inday Barretto grant on-camera interviews, pero sa nakaraang episode ng Startalk ay nagpaunlak ang butihing ina nina Gretchen, Marjorie at Claudine na makapanayam ni Ricky Lo.

In summation, malinaw ang tanging pakiusap ni Mommy Inday kina Gretchen at Marjorie: Stop. At kung ano ang kanilang dapat itigil, ‘yun ay ang patuloy umanong siraan ang kanilang bunsong kapatid na si Claudine.

We will not dare argue with a mother’s opinion, nasa katuwiran man ang ina o hindi.

A mother is a mother is a mother.

ADVERTISING

At kapaniwalaan na sa ating mga Pinoy na kung ano ang ginawa mo sa iyong magulang, asahan mong ‘yun din ang gagawin ng iyong anak.

Dito kami medyo nababahala para kay Gretchen. As a mother, hindi siguro in question ang paraan ng kanyang pagpapalaki sa kanyang nag-iisang anak na si Dominique. But what if Dominique—God forbid—turns out exactly like her mother to her mother?

Nakalulungkot na mula nang magkagulu-gulo raw ang mga magkakapatid, several important family events have passed but Gretchen and Marjorie have since ceased sending their heartwarming greetings.

Sa tanong kung may pag-asa pa bang maghilom ang mga sugat bunga ng sigalot sa Barretto family, only time can tell.

Sana lang ay lumawig pa ang buhay ng mga magulang ng warring sisters na ito, without having to wait for an unfortunate event para lang magkaayus-ayos sila.

May itinatago raw kasing sulat si Mommy Inday para kina Gretchen at Marjorie na maaari lang daw buksan once she closes her eyes.

 

PANSIN LANG namin, iba pa rin talaga kung may “gay component” ang episode ng anumang programa. After all, bekis provide comic relief so as not to bore the audience.

Sa darating na Sabado, in the race sa Picture! Picture! sina Direk Manny Castaneda at Michelle O’Bombshell who are flanked by Brapanese hunk Fabio Ide and comedienne Chariz Solomon.

A whopping half a million pesos ang up for grabs sa kauna-unahang picture-aided general knowledge game show na ito with ascending cash equivalents para sa mga tamang sagot. The sole winner—except when he or she chooses to play Help Me—is determined after making it to the tension-filled final kickout round.

So, sino kaya kina Manny, Michelle, Fabio at Chariz will be richer by P500,000? Abangan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING