Gretchen Barretto, lumambot ang puso sa pagkamatay ng ama

ADVERTISING
RK Villacorta

NAGING pahulaan sa social media kung matitiis ba ni Gretchen Barretto at magmamatigas pa rin siya at hindi dumating sa wake ng kanyang ama na si Daddy Mike (Miguel Barretto) na yumao last Monday, October 14 sa kanyang hospital bed sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig sa edad na 82.

Gretchen Barretto, lumambot ang puso sa pagkamatay ng ama
Gretchen Barretto

Pero last Tuesday, October 16 sa kabila ng mga pagdududa ng mga netizens lalo na ang mga miron kung sisiputin ba ni Greta ang lamay ng ama kung saan for a long time ay nagkaroon ng problema ang relasyon niya sa kanyang pamilya, pinatunayan ni Gretchen na dumating siya sa wake ng Daddy Mike sa Heritage Memorial Park para magbigay-galang sa labi ng ama.

Sa video post ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang kaganapan sa lamay.

Gretchen Barretto, lumambot ang puso sa pagkamatay ng ama
Gretchen Barretto

Nadatnan ni Gretchen si Presidente Digong sa wake na nakaupo sa first row kaharap ng kabaong ni Daddy Mike. Pero may puna agad ang isang netizen na may name handle na @lizasimple7 na mas nauna pa daw bumeso ang kontrobersiyal na aktres sa pangulo kaysa lapitan ang ina na si Mommy Inday na nagdadalamhati para magbigay galang.

Habang isinusulat namin ang istoryang ito ay wala pa kami nakukuhang detalye ng libing ng ama ng mga Barretto Sisters.

ADVERTISING

Sa post ni Claudine sa kanyang IG, touching ang short message niya. “And then, we are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.” pagkakasulat nito.

Dagdag pa niya: “I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME.
ADVERTISING