Gretchen Barretto, ipinagtanggol ni Sylvia Sanchez

Gretchen Barretto, ipinagtanggol ni Sylvia Sanchez

Sylvia-Sanchez-Gretchen-BarrettoIPINAGTANGGOL NI Sylvia Sanchez si Gretchen Barretto sa mga akusasyong ibinabato sa actress, tulad ng maldita at masama ang ugali. Nagsimula ito dahil sa away nilang magkakapatid na sina Claudine at Marjorie Barretto.

Nagkampihan noon sina Marjorie at Gretchen sa away kay Claudine. Pero biglang nabaligtad ngayon ang pangyayari dahil ang magkakampi na ay sina Claudine at Marjorie.

Si Gretchen naman ay lumipad na papuntang London para samahan ang nag-iisang anak na si Dominique, kahit personal siyang inimbitahan ng pamangkin na debutante na si Julia Barretto na hindi nga sinipot ni Gretta dahil mas minabuti na lang nito na magpunta ng London kaysa dumalo sa debut ng pamangkin, kung saan dumating nga si Claudine.

Samantalang masayang-masaya si Gretchen bago umalis papuntang London dahil nag-tie sila sa Best Supporting Actress ni Sylvia Sanchez sa kanilang performance sa The Trial sa katatapos na PMPC Star Award For Movies.

Pagtatanggol nga ni Sylvia kay Gretchen na isang babaeng may puso at mababaw ang kaligayahan. Naging magkaibigan daw sila ni Gretta sa shooting ng The Trial. Dito raw niya napatunayan na mali ang mga paratang kay Greta.

Ayon kay Sylvia, wala raw kaarte-arte si Gretchen sa katawan. Sa isang dressing room sila pinagsama at sabay silang kumain at madalas daw silang magtawanan.

Masayang tao nga raw si Gretchen kahit na maraming pinagdaraanang issues at madaling patawanin. Kung masama raw ang ugali ni Gretchen ay doon pa lang daw sa shooting ay siguradong dededmahin na niya ito. Pero doon nga raw natuklasan ni Sylvia na malaki ang puso at mabuting tao si Gretchen.

Siyanga pala, dahil nag-tie sina Sylvia at Gretchen sa Best Supporting Actress sa Star Award for Movies ay iisa lang ang trophy na napunta sa una dahil una itong umakyat sa stage kaya kinailangan magpagawa pa ng isang trophy para ibigay kay Gretchen. Kaagad naman naipagawa ang isa pang trophy na inihatid ng Pangulo ng PMPC sa tahanan nina Gretchen sa Makati.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo