GRETCHEN BARRETTO, INIHINTO NA ANG PAGTULONG VIA IG LIVE

ADVERTISING

GRETCHEN BARRETTO, INIHINTO NA ANG PAGTULONG VIA IG LIVE

GRETCHEN BARRETTO, INIHINTO NA ANG PAGTULONG VIA IG LIVE
Gretchen Barretto

INABANGAN KO ang IG Live broadcast ni Gretchen Barretto at ng mga kaibigan niya last June 12 nang i-annonuce ni Greta that she’s going live sa kanyang IG account noong umaga pa lang.

ADVERTISING

Nakakalungkot ang kaganapan noong gabi ng Araw ng “Huwad” na Kasarinlan nang i-announce niya na ihihinto na niya ang pagbo-broadcast online ang kanyang pag-grant ng wish ng mga humihingi ng tulong sa kanya kung kasama ang mga kaibigan niya.

To quote Gretchen: “We are going to bid goodbye not because we are… not because we are gonna back down, but because marami po ang mga tao na nadadamay rito.”

Isa sa mga rason ng aktres na paghinto ng pag-broadcast niya ay nadadamay ang mga non-showbiz friends niya na katuwang niya sa kanyang “paying it forward” deed sa mga nangangailangn nating mga kababayan,

ADVERTISING

Naaawa si Greta sa sitwasyon ng mga kaibigan niya na sina Patty Pineda at Mimi Que na nasasama sa intriga at bashing.

“Kung ako lang po siguro, alam niyo po na I am made of steel. I may cry once in a while, but a lot of times, I can be very, very strong also. Pinagtibay na talaga ako ng panahon,” paliwanag ni Gretchen.

Inihinto na ni Gretchen ang nakagawian nila ng mga kaibigan na para sa iba na may crab mentality, iba ang dating sa kanila ang ginagawa ng aktres na pagtulong.

Dagdag pa niya sa kanyang IG Live broadcast na: “I’d like to be fair kasi, kung ako lang po, pinagtibay na ako ng panahon.”

Aminado si Gretchen na sanay na siya sa panlalait at bashing ng mga tao. Prior to the last broadcast niya, sinagot na rin niya ang isyu ng pagiging isang “mistress” ng business tycoon na si Tonyboy Cojuanco; ang kanyang pagpaparetoke para gumanda at kung anu-anong mga tsismis na noon lang niya sinagot ng diretsahan.

Nagsimula sa showbiz si Gretchen sa edad na dose at sa mundo na kanyang pinagmulan, nahasa na siya at nasanay sa panlalait o bashing.

Sabi ni Greta: “A lot of bashing has been made already. Binash tayong tatlo… they did not understand. Iba ang humor namin, pero tunay kaming kakaiba. Akala nila minock namin.”

Maging ang pagtulong ng aktres ay kinu-question ng mga trolls na walang magawa, nagkukuripot daw siya sa mga itinutulong niya.

Ang sagot ni Gretchen tungkol sa isyung ito: “Never po ako nagkukuripot sa pagtulong ng ibang tao. I am blessed tremendously, and I give back and I try to be fair as much as possible.”

 Pero may paglilinaw si Gretchen at mga kaibigan niya nakatuwang sa kanilang pagkawanggawa (sa pamamaraan nila): “ Hindi ho kami hihinto sa pagtulong sa mga tao. Hindi nga lang sa IG followers,” sabi niya.

Habang naka-broadcast si Gretchen at nagpapaalam sa kanyang mga IG followers ay tuloy pa rin ang pagbibigay encouragement ng naniniwala sa kanya at sa mga friends ng aktres na ituloy nila ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING