Gretchen Barretto, gustong ipa-rehab si Claudine Barretto

ADVERTISING

Gretchen Barretto, gustong ipa-rehab si Claudine Barretto

Gretchen-Barretto-Claudine-BarrettoNU’NG HUWEBES ay tumayo bilang testigo against Claudine Barretto ang Ate Gretchen nito. At sa hearing nga ay halatang pinapanigan ni Gretchen ang asawa ni Claudine na si Raymart Santiago.

Gretchen-Barretto-Claudine-BarrettoNoon pang ginagawa namin ni Gretchen ang Huwag Ka Lang Mawawala, naaawa na ito kay Raymart at bumilib pa nga siya rito, dahil ang tatag daw ni Raymart para indahin ang sumpong at “ginagawa sa sarili” ni Claudine.

Nagsalita na si Gretchen at hindi na ito masi-shock pa kung tuluyan na siyang itakwil ng kanyang mga magulang, dahil sa mga pinagsasasabi nito laban kay Claudine.

“I love my sister, but I want her to go on rehab,” sabi pa ni Gretchen nang mainterbyu ng mga TV crew sa labas ng court room.

ADVERTISING

Magpa-Pasko pa naman, ‘no? Nakakalungkot.

 

KAHIT HINDI na gano’n karami gumawa ng pelikula sa isang taon si Mother Lily, hindi puwedeng mawalan siya ng filmfest entry. Tulad na lamang ng Pagpag (Siyam Na Buhay), kung saan co-prod venture ang Regal Entertainment at Star Cinema.

Dahil nga ayaw pa rin ni Mother Lily na mawala ang horror movie sa Metro Manila Film Festival, kaya todo-promote din siya para sa movie na ito ng number one loveteam sa kasalukuyan, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Malaki rin ang kumpiyansa ni Mother Lily sa direktor nitong si Frasco Mortiz na anak ni Direk Bobot Mortiz na nakagawa ito ng isang nakakatakot talagang movie via Pagpag.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING