Gretchen Barretto, gimik lang ang walk-out sa sariling presscon?!

MARAMI ANG NAGSASABING gimik lang ang ginawang pag-iyak ni Gretchen Barretto habang iniinterbyu siya ng media sa Libis kamakailan, para sa promo ng ini-endorso niyang sabong pampaputi. Wala naman daw dahilan para mag-walk-out ito, tulad nga ng kanyang ginawa na labis na ikinaloka ng marami nating kaibigang sa media.

Isa ang Pinoy Parazzi sa nakakita sa eksenang ginawa ni Gretchen. Pero ang mas ikinaloka namin,  ‘yung interbyu niya sa eksklusibong interbyu ng programang The Buzz, dahil feeling ng aktres ay para bang aping-api siya sa pilit na pagkukumpara sa kanila ni Claudine Barretto.

May point si Gretchen sa kanyang sama ng loob dahil pakiramdam niya ay nasasaktan siya sa tuwing pag-aawayin sila ni Claudine ng media, gayu’ng wala namang dapat pag-awayan. Pero parang nakapagtataas naman ng kilay na dahil lang sa ganu’ng eksena ay magwawala na siya at mag-iiiyak na siya.

Obvious na “gimik” ang pag-iyak ni Gretchen na kailangang tapatan din ni Claudine ng isa pang “gimik” para makabawi siya sa eksenang ginawa ng kanyang nakatatandang kapatid, or else, malalampaso siya nito sa publicities. Ha-ha-ha!

Sey nga ng isa nating kaibigan, ang pag-iyak nina Gretchen at Claudine ay hindi na bago sa kanya, dahil kilala raw niya na ang magkapatid na Barretto ay likas ang pagiging gimikera.
NAKAUSAP NAMIN NANG personal si Geneva Cruz at ang isa sa mga unang nilinaw niya ay ang isyung naloloka o napaparaning na siya.

“That’s me! Wala akong dapat baguhin sa aking sarili. Kung ano ang sinasabi ko, ‘yun ang gusto kong sabihin. Or kung ano ang gusto kong gawin… what naman sa kanila? I mean, I really don’t care kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin as long as na wala akong masamang ginagawa sa kanila. Sabihan man nila ako ng napapraning, wala akong masasabi riyan,” tuluy-tuloy na pahayag ni Geneva habang kausap siya ng Pinoy Parazzi sa kanyang birthday celebration na ginawa sa loob ng isang air-conditioned jeep (Wow Pilipinas).

Ayon kay Geneva, bago ang concept ng kanyang birhtday party kaya masaya siya. “First time kong ginawa ito. Imagine, habang tumatakbo itong jeep ay nagbi-videoke tayo rito. Bongga, ‘di ba?”

Hindi ang pagiging unique ng birthday ni Geneva ang higit na pinagtuunan namin ng pansin, kundi ang relasyon nila ni KC Montero na noon pa napapabalitang wala na silang communication. Inamin ni Geneva na may problema sila ni KC at pinipilit nila iyong ayusin. “Honestly, may problema talaga, pero private na ‘yun… kung anuman ‘yun.”

Inamin din ni Geneva na magkasama sila ni KC at ng anak niyang si Heaven noong Holy Week. “We go out together, at kung anuman ‘yung problema ay hindi namin masyadong iniisip.”

SI KC CONCEPCION na ang bagong co-host ng programang The Buzz. Pero ayon sa aming source, wala naman daw nararamdamang “galit” si Ruffa Gutierrez sa anak ni Sharon Cuneta kung ito ang humalili sa dati niyang posisyon, bagkus ay masaya ang aktres dahil alam niyang magaling na host at artista si KC at mana ito sa kanyang ina.

Isa pang chika… how true na nagulat si Boy Abunda sa mga pinakawalang salita ni Cristy Fermin laban sa kanya dahil hindi nito sukat-akalain na may sama ng loob pala sa kanya ang dati niyang best friend?

How true na puro yabang lang si Charice Pempengco dahil ‘yung ipinagyayabang niyang 7-door apartment niya sa Cabuyao ay saksi kami na hindi pala iyon apartment kundi iyon ay tambakan lang ng mga bulok na kahoy?

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleClickadora: Playtime with Agua Bendita Stars!
Next articleNikki Gil, lumipat na rin!

No posts to display