Gretchen Barretto, desidido nang idemanda ang kapatid!

ADVERTISING

Gretchen Barretto, desidido nang idemanda ang kapatid!Gretchen Barretto, desidido nang idemanda ang kapatid!WALA NA nga yatang taong puwedeng makapagpahinto sa awayan ng mag-anak na Barretto. Ang latest na tsika kasi ay nagpahayag daw ni Gretchen Barretto na plano na niyang idemanda ang kanyang kapatid na si Guia.

Kinakausap na raw ni La Greta ang kanyang mga abogado sa Amerika para isulong ang demanda.

ADVERTISING

Kalokah na, ‘di ba?

Sabi nga ng marami, sana raw ay may isang taong malapit sa mag-anak na kausapin sila para maiaayos ang lahat.

Hindi nga naman magandang halimbawa ang pamilya Barretto kung hindi sila marunong magpatawaran.

ADVERTISING

Sa true, hindi na dapat humantong pa sa demandahan. Pero kung ito ang magpapahinto sa kanilang lahat, bakit hindi, ‘di ba?

Well, abangan ang susunod na kabanata…

 

Gretchen Barretto, desidido nang idemanda ang kapatid!MULA PO sa bumubuo ng Philippine Movie Press Club, gusto naming magpasalamat sa St. Agatha Resort, Guiguinto, Bulacan. Naging masaya at talagang nag-enjoy ang lahat ng aming members.

Salamat kay kaibigang Rene Villanueva, kumbakit kami nandoon sa napakagandang resort.

Sa may-ari na si Boy Cruz na mukhang malapit nang maging ama again ng Guiguinto, Bulacan.

Basta po, maraming salamat.

At sa lahat ng mga sumuporta sa aming official summer outing. Hindi na po namin iisa-isahin.

 

HINDI PALA naabisuhan si Lolit Solis para mag-ninang sa kasal ni Papa Jack. Natapos ang kasalan nang hindi nito malaman. Kaya naman nagulat ito ng pagkagaling niya ng Bikol ay tapos na ang kasal.

Mapapatawad lang daw niya si Papa Jack kung hahatian daw niya si Lolit ng mga regalong natanggap nito sa mga naging ninong at ninang.

Ayon pa kay Lollit, mukhang hindi siya naniniwalang nagpakasal sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa Hong Kong last week.

Nag-iisang anak na babae raw si Pauleen kaya hindi papayag ang kanyang mga magulang na gawin ni Pauleen ang pagpapakasal na hindi nila alam.

Pero sabi pa ni Lolit na, “Bongga siya kung totoo, kasi an’daming dumaan na babae kay Bossing Vic, pero walang natupad,” sey niya sa Startalk.

Nagdenay rin si Joey de Leon tungkol sa isyu kahit may nakakita sa kanya sa airport.

Naku, sa showbiz pa, walang lihim na ‘di agad nabubunyag.

 

BLIND ITEM: Sino itong young actor na palaging bumibisita sa isang hair clinic para magpaalaga ng kanyang buhok. May tsikang hindi lahat true ang buhok ng poging young actor.

Medyo unti-unting nalalagas na raw ang buhok ng ating bida.

Well, knows n’yo ba kung sino siya?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING