Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupa

ADVERTISING

Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupa

Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupaIMBES NA mapaghilom ang sugat at maayos ang problema ng kanilang pamilya, mukhang lalo pa itong lumala kung ang pagbabasehan ay ang reaksyon ni Gretchen Baretto nang kumustahin at tanungin siya tungkol sa sitwasyon sa ngayon ng kapatid na si Claudine Barretto sa nakaraang Cinemelaya  Independent Film Festival Award’s Night.

Nakarating sa amin na nagtaray ang aktres at sumagot ito na ano raw ang pakialam ng media at ng ibang tao sa pamilya niya? Kung matatandaan daw ay tinakwil na siya ng pamilya Barretto. Wala na siyang karapatang tanungin tungkol Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupadito, at kung may tintuturing man siyang pamilya, ito ay ang live-in partner na si Mr. Tony Boy Cojuangco at ang anak na si Dominique.

Lalong nadagdagan naman ang iritasyon at pagkapika ni Gretchen nang tanungin ito kung ano ang panalangin niya para sa kanyang pamilya at para kina Claudine at  Raymart. Dito lalong nagtaray si Gretchen na ang media ba ang Diyos at kinakailangan niyang sabihin kung anuman ang dinarasal niya? Dagdag na pahayag din ng aktres, sana ay matuto namang magbigay ng respeto ang ibang tao dahil ‘di naging madali sa kanya ang pinagdadaanan niya, kung saan napakasakit na kuwestyunin ang kredibilidad at insultuhin ang pagkatao niya.

Nagbigay pa ng suhestiyon si Gretchen na si Claudine ang dapat tanungin at hindi siya dahil ‘di naman siya ang nagtatago.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING