Gretchen Barretto, ayaw makialam sa problema ni Claudine Barretto!

ADVERTISING

Gretchen Barretto, ayaw makialam sa problema ni Claudine Barretto!

Gretchen Barretto, ayaw makialam sa problema ni Claudine Barretto!BONGGA ANG ENTRANCE ni Gretchen Barretto sa 25th Star Awards for TV dahil maghaha-tinggabi na siya nang dumating sa Newport Performing Arts Center ng Resorts World. Wala nang masyadong tao sa red carpet kaya naman nakaporma ang mga TV crew at naging maayos ang interview sa kanya.

ADVERTISING

Excited na raw talaga siya na mag-taping para sa teleser-yeng Alta ng Dos, dahil muli na namang mabubuhay sa ibang character ang napakasosyal na karakter niya sa Magkaribal, ang seryeng pinagsamahan nila noon ni Bea Alonzo. Inusisa din namin siya kung ano ang masasabi niya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, pero ayon sa kanya, nagkakausap naman daw sila ng kapatid. At kung meron mang problema, ayaw rin niyang makialam. Adult na raw si Clau at kaya na nito, if ever meron ngang problema sila ni Raymart. Ayaw na rin daw niyang magbigay ng mga unsolicited advice. She’s living na raw in a quite and peaceful life. Naging religious na raw talaga siya ngayon.

Anyway, congrats sa kanya dahil nakuha niya ang Best Drama Actress award para sa Magkaribal ng ABS-CBN!

 

ADVERTISING

NAKAKALOKA ANG HABULAN namin ni KC Concepcion kasama ang ilang TV crew at print media noong nakaraang Martes sa World Food Program at Julie’s Bakeshop event dahil muntik na kaming matakasan ni KC.

Pagkatapos kasi ng kanyang speech, sandaling nagpahinga lang ito sa kanyang upuan at kunwari ay magre-restroom lang. Pero dahil nga dama na naming aalis na ito, sinundan na namin ang dalaga. Naabutan namin ito bago pa sumakay ng elevator at dito ay inusisa namin siya tungkol sa napipintong pagpirma ni Sharon Cuneta sa TV5. Sabi niya, wala pa raw sinabi ang kanyang mommy sa kanya, pero kung saan daw ito masaya ay happy na rin siya for her.

Habang naglalakad papuntang elevator ay nakakapagbato kami ng ilang katanungan, ngunit ayaw nang sumagot ni KC hanggang sa pumasok na ito ng elevator kasama ang kanyang handler. Dahil sa pagpursige naming makakuha ng kahit maiksing sagot, isiniksik namin ang sarili namin sa elevator at naka-smile pa rin ang dalaga habang kami ay pasimpleng nanghingi ng maiksing comment sa kanya tungkol sa kalagayan ng kanyang puso.

Sabi nito, “Malalaman n’yo rin sa takdang panahon.” Maiksi man, makahulugan pa rin ang binitawang salita ni KC.

Kinagabihan, naloka kami sa aming nasaksihan dahil sa unang bahagi ng Star Awards, host si Piolo kasama si Shamcey at nagkataon namang nakuha ng The Buzz ang award bilang Best Showbiz Talkshow. Umakyat si Boy Abunda, KC Concepcion at Toni Gonzaga sa stage. Halatang deadma lang sila sa isa’t isa.

Hay, ano ba talaga ate at kuya ang real score sa inyong dalawa?

 

KAHIT PAPAANO, MAY alam na rin kami noon pa man na kumpirmado na nga ang paglipat ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Kapatid Network. Bilang bahagi ng TV5 as talent, kailangan naming sarilinin na lamang ang impormasyon hangga’t wala pang go signal ang pamunuan na puwede nang kumpirmahin sa publiko na finally, nasa Singko na si Sharon.

At noong nakaraang Martes nga, November 22, pormal nang pumirma ng 5-year exclusive contract sa TV5 ang Megastar. Nakatakda siyang gumawa ng daily at reality shows sa istasyon pati pelikula sa sister company ng TV5, ang Studio5.

Marami pang dapat abangan sa Megastar at ang pinakamasaya sa lahat, nasa iisang bakuran na ang dating magka-loveteam na sina Mega at Gabby Concepcion.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING