Gretchen Barretto’s walk-out drama, not new to showbiz insiders

ADVERTISING

Gretchen Barretto’s walk-out drama, not new to showbiz insiders

Gretchen Barretto’s walk-out drama, not new to showbiz insiders

ADVERTISING

HINDI NA BAGO ang pagwo-walk-out ni Gretchen Barretto sa showbiz. Sa mara-ming situwasyon at

pagkakataon, nagawa na ng aktres na bigla na lang talikuran ang mga kausap. Ang katuwiran ng aktres, kaya raw niya ginagawa iyon ay dahil iniiwasan niyang makapagsalita ng hindi maganda sa kanyang kaharap. Kaya sa halip na magtaray, lumalayo na lang daw siya para wala nang isyu pa.

Ayon kay Gretchen nang huling makausap ng Pinoy Parazzi, wala siyang nakikitang masama sa kanyang ginagawa. Mas pangit daw kung makakasakit pa siya ng damdamin ng kapwa sa pagsagot ng mga bagay na iniiwasan niyang pag-usapan.

ADVERTISING

Sinabi ni Gretchen na totoong hindi lang minsang beses na siya ay nag-walk-out, pero hindi ibig sabihin noon ay nagtanim na siya ng galit sa reporter na nagtanong sa kanya ng hindi maganda.

“Bakit naman ako magagalit, eh, trabaho nila iyon. Kaya instead na magsalita ako nang hindi ako maganda, eh, ako na mismo ang umiiwas,” sabi pa ng aktres.

Sa kabuuan, sinabi ni Gretchen na walang dahilan para mag react siya sa isyung hindi siya college graduate. Dahil una at higit sa lahat, hindi naman basehan ang taas ng pinag-aralan upang ang isang tao ay makara-ting sa magandang estado at magkaroon ng breeding.

 

NAGSALITA NA AT long last si Rachelle Ann Go sa isang kaibigan, kung saan ay sinabi nitong masama ang kanyang loob sa ginawa ni John Prats. Dahil pagkatapos nang kung ilang linggong pagkakawala sa bansa, sasalubungin siya ng isyung hiwalay na sila ng boyfriend.

“Nag-iiyak si Rachelle dahil hindi niya alam na break na pala sila ni John. Kaya pala raw hindi na siya tini-text o tinatawagan, at wala na silang communication ni John. Akala ni Rachelle, busy lang si John. Hindi niya alam na break na pala sila,” pahayag iyon ng taong malapit sa singer.

Samantala, mariing itinanggi naman ni Bianca Manalo nang makausap ito ng Pinoy Parazzi, kamakailan na siya ang dahilan nang hiwalayang Rachelle at John. Ayon sa aktres, wala raw silang relasyon ni John at hindi sila close. Paanong magiging third party siya.

Patapos na sinabi ni Bianca na sa paghihiwalay nina John at Rachelle, isang daang porsiyentong wala siyang kinalaman kaya huwag daw sana siyang pinagbibintangan.

 

HONESTLY, IBA SI Vice Ganda. Kasi kahit mga bagets na lalaki ay gustung-gusto ang paraan ng pagko-comment nito sa Showtime. Matitindi ang side comment at todo talaga ang lait, pero hindi mo mararamdaman na napikon ang kanyang pinagsasabihan.

Totoo, sa bahay namin ang tanging pinapanood lang sa tanghali ay Showtime at pagkatapos ng Showtime, lipat-channel na kami. Go na kami sa Eat Bulaga dahil ang dalawang programa na ito ang tunay na nakapaghahatid ng ligaya sa bawat tahanan ng mga Pilipino na ang hanap ay kasiyahan.

Pero teka, napapansin namin, iba ang closeness nina Paulene Luna at Ryan Agoncillo nitong mga huling linggo. Iba ‘yung kanilang biruan na parang may something. At hindi lang kami ang nagtataka kundi ang marami naming kaibigan. Nai-in love na ba sina Paulene at Ryan sa isa’t isa dahil lagi silang magkasama?

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING