Gretchen Barreto, nabitin kay John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Gretchen Barreto, nabitin kay John Lloyd Cruz

John-Lloyd-Cruz-Gretchen-BarrettoINAMIN NI Gretchen Barretto sa ginanap na grand presscon ng The Trial sa Dolphy Theater kamakailan na fans siya ni John Lloyd Cruz, kaya laking pasalamat niya sa Star Cinema na nagkasama sila ng actor.

Aside kay John Lloyd, kasama rin sa movie sina Richard Gomez, Jessy Mendiola, Enrique Gil, atbp. sa direction ni Chito Roño.

Ayon pa kay Gretta, bitin daw siya sa pagsasama nila ni John Lloyd at nag-request mismo sa actor na magsama sila uli sa isang pelikula.

“Ultimate dream ko talaga. Sinabi ko talaga is… to work with John Lloyd because I’ve watched his movie and I’m a big fan. I believe in his talent and more than that, I’m the biggest fan of John Lloyd. So, ‘yung sinabi nila that I’m doing a movie with him, talagang ang laki ng pasasalamat ko sa ABS-CBN at Star Cinema.

ADVERTISING

“I didn’t feel that there was a John Lloyd on the set because talagang how do we call it, sa character na siya. Siya na si Ronald pagdating. So, magpelikula tayo uli para ma-experience ko naman ang John Loyd,” masayang pahayag ni Gretchen.

Kung si Gretta ay bitin pa sa pagsasama nila ni John Lloyd, takot naman ang naramdaman Jessy sa pagsasama nila ng actor.

“May nagtanong kasi kung nailang ba ako kay John Loyd? Isang baguhan pa lang ako, tapos makakaeksena ko ang isa sa pinakamagaling na actor. Matagal ko na talagang gustong makatrabaho siya. Totoo lang, natakot ako at hindi nailang kasi isang John Lloyd ang makakaeksena ko. Maganda kay John Lloyd, aalalayan ka niya sa eksena. Mata pa lang niya talagang malalaman mo na binibigyan ka niya ng importansiya para maka-emote nang tama sa eksena,” say ni Jessy.

Habang nagpapaliwanag si Jessy, biglang sumingit si Gretta ng tanong sa sexy at mestisang actress kung paano ang love scene na ginawa nila ni John Lloyd? Muling nabitin si Gretta sa sagot ni Jessy na abangan na lang daw sa pelikula.

Well, kung si Gretta siguro ang naka-love scene ni John Lloyd sa The Trial, baka tinalbugan pa nito ang love scene nina Lloydie at Jessy.

Ina ng bestfriend ni Lloydie na si Enrique ang role ni Gretta sa The Trial.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING