Grae Fernandez, madamdamin ang tweet para sa amang si Mark Anthony Fernandez

ADVERTISING

Grae Fernandez, madamdamin ang tweet para sa amang si Mark Anthony Fernandez

Grae Fernandez
Grae Fernandez

“No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad!”

Ito ang madamdaming tweet ng Kapamilya young actor na si Grae Fernandez para sa kanyang amang si Mark Anthony Fernandez na may #hashtag na #MarkAnthonyFernandez.
Maalalang nahulihan ng isang kilong marijuana ang actor sa Pampanga kamakailan na naging dahilan ng pagkakakulong nito sa himpilan ng pulisya sa nasabing probinsiya nang mismong araw na iyon.
At kahit nga ganu’n ang nangyari sa kanyang amang si Mark Anthony, mananatili raw ang respesto at pagmamahal nito sa kanyang ama.

 

 

ADVERTISING
TOP
TOP

TOP boyband, sold out na ang tickets sa concert sa Music Museum

Magkakaroon ng kanilang first anniversary major concert ang grand winner sa kauna-unahang reality boyband search sa TV, ang TOP via “TOP (Top One Project) in Concert” na magaganap sa October 28, 8 p.m. sa Music Museum, kung saan magiging panauhin ng mga ito si Aicelle Santos at Kim Domingo.
Ang TOP boyband ay binubuo nila Mico Cruz, Miko Manguba, Adrian Pascual, Louie Pedroso, and Joshua Jacobe na ilan sa kanila ay galing sa grupong Kundirana, kung saan galing ang ilan sa mahuhusay na singer sa bansa like Gary Valenciano and Dingdong Avanzado.
Ang ticket price sa concert ng TOP ay nagkakahalaga ng P2,000 – VIP, P1,500 – Lower Box, P1,000 – Orchestra, at P500 – Balcony. Ito ay hatid ng HDI Admix, Anchor Land Holdings, Inc., Sta. Elena Construction and Development Corporation, at sa pakikipagtulungan ng Lucky Rainbow Hong Kong Seafood Restaurant, PLDT, Silka, at Equitable General Services.
Maagang pamasko nga raw sa TOP ang kanilang nominasyon sa darating na PMPC Star Awards For Music para sa kategoryang Duo/ Group of the Year at Dance Album of the Year.
And as early as now at kahit medyo malayu-layo pa ang concert ng GMA boyband ay sold out na ang tickets ng kanilang konsiyerto.
 

Rafael Centenera
Rafael Centenera

“Asia’s Mr. Romantico” Rafael Centenera, ratsada sa dami ng shows sa loob at labas ng bansa

Masayang ibinalita ng tianguriang “Asia’s Mr. Romantico” na si Rafael Centenera ang latest updates sa kanyang singing career.
Ilan dito ay ang paglabas ng kanyang pinakabagong single at kanyang 2nd MTV na “Ikaw Ang Susi” na mula sa komposisyon ni Russya Wilma Balwit.
Kuwento nga nito, “Ang latest sa akin, itong ipinagmamalaki kong single na bale pangalawa kong MTV na ‘Ikaw Ang Susi’ composed by Russya Wilma Balwit. And available siya na mapanood sa Facebook at sa YouTube.
“I have a trip to (Las) Vegas where I will perform for five consecutive night from October 10 to 14 in different venues. Kasama ko si Ed Finlan, Master of Ceremony, tapos si Salvador Baka, at marami pang iba.
“Kasama ko si Mam (Jenny Yu) ang misis ko. Ayaw niyang mag-front, kasi low profile siya. After my five days performances, the rest of the days is our holiday.
“We’re living on Wednesday because the performance will be on the 10, so we have a few days after the show and a few days before the show.
“Sa Cafe Via Mare sa Shangri-La, kapag wala akong ibang gig, normally nandu’n ako every Wednesday.”

Sa promotion ng kanyang kanta sa different radio and TV programs, aniya, “Actually that’s the whole idea. Pero normally, sa Facebook, sa Spotify… pero we will also do that.

“Kasi iba na ang takbo ngayon, eh. For example, quote me all or… ‘yun quote me, kahit Viva, hindi na nag-a-outlet ‘yan. Kasi kami nga wala na kaming outlet sa record bars. Digital na kasi.”
Tungkol sa mga bagong single sa kanyang album, ani Rafael, “Itong pangalawang album ko, dalawa pa lang because we want to go slow, depende sa market. Pero tuluy-tuloy pa rin. Pagbalik ko, tatapusin ko ‘yung album, no matter what will happen, tatapusin ko.
“Meron din ako ditong revival song ‘yung ‘Ocean Deep’. Kasi kailangan ding sumabay ka, like ‘pag may nagtanong sa ‘yo if meron ka bang cover version…”

 

 

Celebrities dadagsa sa grand opening ng Boys & Girls Cafe KTV Bar

Bumalik ang sigla sa Malate dahil sa nagkikislapang ilaw sa labas ng Hot Boys & Girls Cafe KTV Bar na matatagpuan sa Julio Nakpil St., cor. Maria Orosa St. Yes, ‘eto ang bagong gimikan, tambayan, at magpapabalik sa mga taga-showbiz sa Malate, kung saan comedy bar ito nang 7 p.m. to 1 a.m., salubong naman ang pagiging hosto bar nito nang 11 p.m. hanggang umaga.
Maraming celebrity guests ang darating sa kanilang grand opening sa October 8, 10 p.m., kung saan bikini open ang highlight ng show. Sinigurado nila na mga fresh at bagong mukha ang mapanonood na magbi-bikini.
Tampok din ang mga naguguwapuhang modelo at dancers gaya ng Breezy Boys, Mr. Hot Boys, Sex Appeal Boys, Boys Next Door, Hot Buddies Hunks, Clamour Boys, at Boys On Groove.
Yes, big naughty night is coming. Para sa ibang detalye, tawagan ang mga manager na sina Mon Leones (09173674231) at Robert Manalastas Manalo (09952593715).

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING