Grace Lee, parang chocolate ang tingin kay P-Noy!

ADVERTISING

Grace Lee, parang chocolate ang tingin kay P-Noy!

Grace Lee, parang chocolate ang tingin kay P-Noy!INGAT NA ingat si Grace Lee sa mga sagot niya pagda-ting kay Pres. Noynoy Aquino sa mga tanong namin nu’ng mag-guest ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

ADVERTISING

Nag-promote si Grace ng kanyang bagong show sa GMA-7 na Cooking with the Stars na magsisimula na ngayong araw kaya todo ang ikot niya ngayon para i-promote ito.

Natanong kasi siya sa presscon nito kamakailan lang kung sa anong pagkain niya maiko-compare si P-Noy, ang sabi niya cheese fondue daw.

Kaya pina-explain namin sa kanya kung bakit ‘yun ang pagkaing naisip niya. Ang sabi niya, simple lang daw pero malalim gaya ng thick na chocolate na pinag-dip ng cheese.

ADVERTISING

Inamin naman ni Grace na ipinagluluto niya ang presidente kapag nagkikita sila. Mahilig daw kumain si P-Noy at alam na niya ang paborito nito. Gaya ng ibang kaibigan na ipinagluluto niya, ganu’n din daw ang ating pangulo.

Hanggang du’n lang ang puwedeng sabihin ni Grace at ayaw na niyang sagutin ang iba pang isyu nito kay P-Noy. Gusto na raw niyang tahimik na lang at dito na lang sa bagong show niya sa mag-concentrate.

Mukhang sila pa rin kasi, at walang nangyaring break-up. Ipinagluluto nga niya ito sa Malacañang dahil nasasarapan daw ang presidente sa mga luto niya. So, wife material talaga si Grace kaya puwedeng pang-First Lady?

 

HINDI PA kami nagkakausap ni Alma Moreno, pero siguro kahit pigilan ko siya, hindi na ito makikinig dahil desidido na talaga itong tumakbong senador sa 2013 elections.

Sabi nga niya, ipinagdasal niya ito nang husto at nakakita na raw siya ng sign na itutuloy na niya itong balak niya dahil kaya naman daw niya.

Suportado naman siya ng mga kasama-han niyang konsehal sa buong bansa dahil lagi niya itong naiikot bilang bahagi ng posisyon niya bilang presidente ng Philippine Councilor’s League.

Nagpaalam na rin daw siya sa mga anak, na kahit nabigla sila nu’ng una, pero susuporta naman daw sila. Ang concern lang nila sa Mama nila kung kakayanin ba ito ng katawan niya. Sabi naman ni Alma, lalo raw siyang magkakasakit kung wala siyang ginagawa niya, kaya dapat tuluy-tuloy raw ang ginagawa niyang pagsisilbi sa mga tao.

Ang sabi pa ni Alma, sana pagbigyan daw muna siya bago siya husgahan dahil alam daw niyang kaya niya itong gawin.

Sige, tingnan natin dahil alam ko naman na noon pa ay talagang malapit na si Alma sa mga tao.

Naalala ko pa nga dati na nakikiiyak pa ito sa mga kasambahay niya kung may problema sila. In fairness naman sa kanya, malapit talaga siya sa mga tao at gustung-gusto niya itong ginagawa niya.

Sa partido ni Sen. Bong Revilla si Alma dahil noon pa man ay sa Lakas na raw siya, kaya suportado naman ito nina Bong. Basta magsipag pa raw siya para makamit niya ito.

 

HINDI KO na maintindihan kung talagang nagkaroon ba ng relasyon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ang nabalitaan ko ngayon, parang nagkakalabuan na raw talaga ang dalawa. Ang sabi ni Kylie, friends lang daw talaga sila, kaya lang hindi na raw sila gaanong nag-uusap.

Ang tsika pa, irita na rin daw kay Aljur ang ibang taong malapit kay Kylie at hindi na nila ito type.

Ayaw lang nilang sabihin kung ano ang dahilan pero parang hindi na nila type ang young actor para kay Kylie. Kaya lagi raw nila itong binabantayan. Kasi baka masuyo na naman at madala na naman ito.

Balak ni Kylie, pagkatapos ng The Good Daughter na magtatapos na ngayong linggo, magbabakasyon daw ito sa Australia kasama ang mga kapatid niya at ang Mama niyang si Liezel Sycangco.

Medyo magtatagal daw siya roon, at baka kasama na raw nito ang mga kapatid niya pagbalik dito sa Pilipinas. Balak din kasi ng mga kapatid niya at pati na rin si Liezel na magbakasyon dito.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING