Grace Ibuna, itinangging stage mom siya kay Garie Concepcion

Grace Ibuna, itinangging stage mom siya kay Garie Concepcion

Grace Ibuna and Garie Concepcion
Grace Ibuna and Garie Concepcion

Itinanggi ni Grace Ibuna na stage mother siya sa anak na si Garie Concepcion. Pinapayuhan lang daw niya ang anak at gina-guide para mas maging okey ang performance ng dalaga.

“Hindi ako stage mom. ‘Pag may show lang siya, gusto ko lagi na pitch perfect siya. I make sure that she enunciates well when she sings. Kasi, ‘di ba ‘yung longevity ng singer… you know when you sing well, I think you will last,” rason agad ng nanay ni Garie.

Eh, paano ba naman tine-take ni Garie Concepcion ang mga criticisms ng mommy niya?

“That’s normal sa aming mag-ina,” tugon agad ni Grace Ibuna.

“Wala naman siyang violent reaction. Ang bahay namin very peaceful. Para kaming may martial law, joke! Pero peaceful kami,” pabiro niyang pahayag.

Samantala, si Grace ang representative ng Melchora partylist na kandidato ngayong May 2016 election. Sa tanong kung nakikita ba niyang may interes ang anak sa politics, ang sagot niya, “Parang wala, eh. Parang wala siyang interes.”

“Pero rito sa Melchora, may output naman siya. Meron kasi kaming part na tungkol sa abused na mga bata na kaedad nila. Doon siya sa mga bata,” dagdag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas