Grace Ibuna, ‘di pa rin maka-move on sa pagkawala ng kanyang greatest love

ADVERTISING

Grace Ibuna, 'di pa rin maka-move on sa pagkawala ng kanyang greatest love

Grace Ibuna, 'di pa rin maka-move on sa pagkawala ng kanyang greatest loveNakilala ang pangalang Grace Ibuna nang ma-link siya kay Gabby Concecpion.

Ang dalawa ay naging magkarelasyon (after ng lovelife ng aktor with Sharon Cuneta) na nagbunga ng isang magandang dalaga na si Garie na ngayon ay nagta-try na makilala rin sa showbiz, tulad ng Ate KC Concepcion niya, as singer naman.

Matapos ang magulong relasyon nina Gabby at Grace Ibunan, biglang tumamik ang mundo ng dating lingkod bayan ng San Juan.

For a while walang nakaalam kung anong naging ganap ni Grace hanggang sa sumambulat ang kuwento at isang malaking istorya ang pagkamatay ng “Greatest Love” niya na si Rep. Iggy Arroyo (kapatid ni dating FG Mike Arroyo).

ADVERTISING

Naging malaking issue pa nga ito, lalo pa’t ang dating asawa ni Iggy, ayaw siyang bigyan ng karapatan sa bangkay ng kongresista, na nakasama niya ng kung ilang taon, sa mga huling bahagi ng buhay nito. Si Grace ang nag-alaga sa kongresista. Sa katunayan, siya ang nagpakahirap para alagaan ito na hindi nito pinagsisihan.

“He was my greatest love. Kapag ganun ang tingin mo sa isang tao, kahit ano you will do everything for him,” kuwento ni Grace sa amin who is enterning national politics at pagliligkod bayan sa pamamagitan ng kanyang partylist na MELCHORA (#26) na acronym ng Movement of Women for Change and Reform na on the moderate side of the political spectrum.

“Ours is sort of a preparation and prevention. Nandyan kami to support women and children na hindi maabuso at ma-exploit.”

Nang usisain namin si Grace kung naging battered woman siya ni Gabby or ni dating Rep. Iggy kaya niya naisipang to go on a larger scale sa paglilingkod niya, “No, I’m not a battered woman. Never akong sinaktan ni Gabby physically, pero siguro bugbog ang puso ko. Si Iggy, love na love ko ‘yan. Noong kainitan ng isyu niya na sinasabi na ang habol ko lang ay ang yaman niya, walang ganun. Iggy is my greatest love.”

Ilang taon na ring lumipas ang pagkamatay ni Rep. Iggy, pero si Grace, until now ay hindi pa rin nakamu-move on.

Sabi nga ng mga anak niyang sina Garie, Miguel, and Rafael (who is a she and in high school) both from a previous marriage, siya pa ang pinipilit na makipag-date sa iba at mag-enjoy.

Ang anak nga niyang si Garie, nagagalit na rin kung minsan na ang mom niya ay hugot pa rin nang hugot sa nangyari sa greatest love nito.”

Pero si Grace, tila nakakapit pa rin. Ayaw pa ring mag-move on. Kaya nga tuwing naririnig niya ang awiting, “’Wag Ka Nang Iiyak” ni KZ Tandingan, napaiiyak ito. Palagi pa ring naaalala ang ganda ng pagmamahalan nila ni Rep. Iggy.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING