Gov. Vilma Santos-Recto, parang napilayan sa pagpanaw ng pinagkakatiwalaang accountant

ADVERTISING

Gov. Vilma Santos-Recto, parang napilayan sa pagpanaw ng pinagkakatiwalaang accountant

Vilma-SantosNAGKASAKIT ANG Star for all Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto nitong mga nakaraang buwan, kaya nitong nagdaan niyang kaarawan ay pinakaimportanteng bahagi ng kanyang pagsasaya ang kanyang pamilya, at pasasalamat na rin, na mula sa pinagdaanan niyang karamdaman dahil sa kanyang ulcer ay medyo nangayayat talaga siya. Medyo okey na siya ngayon, kaya konting bawi pa raw sa kanyang health at hahataw na ulit siya.

Konting pahinga lang naman ang kailangan daw ni Ate Vi, pero kahit naman hindi pa siya sobrang nakapagpapahinga ay nagagampanan pa rin naman niya ang kanyang mga trabaho sa Kapitolyo ng Batangas. Promise naman niya sa kanyang sarili na bago niya harapin ulit ang kanyang showbiz career, kung saan mayroon na nga siyang napupusuang magandang project na ayaw muna niyang ipahayag dahil baka raw maudlot, titiyakin niyang healthy na talaga siya ulit.

Isa sa mga ikinalungkot ni Gov. Vi nitong mga nakaraang buwan ay ang pagpanaw ng kanyang kaibigan at accountant na si Tita Aida Fandialan. Matagal na silang magkasama, kaya parang napilayan si Ate Vi sa biglaang pagyao ni Fandialan. Sa dami ng mga tapat na taong pinagkakatiwalaan ng Mommy ni Luis Manzano na nakapaligid sa kanya, si Fandialan ang isa sa matagal na nakasama ng aktres, kaya hindi niya maiwasang hanggang ngayon ay ikalungkot iyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING